Paalam na

46 3 0
                                    

Nakababa na ang sandata
Hindi na lalaban pa
Pagod nang sumubok
Wala nang patutunguhan

Natuyo na ang mga luha
Nagbago na ang kinang ng mga tala
Biyaya ng nakaraan
Alaala na lang ng kasalukuyan

Bibitawan na kita
Pag-ibig na nagdurusa
Pinapalaya na kita
Hindi na tayo masasaktan pa
Paalam na aking sinta

Huwag mo nang subukan
Pag-ibig ay tapos nang mag-alab
Kasing lamig na ng nakaraan
Atin nang talikuran
Harapin ang katapusan

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon