Sarado

48 1 0
                                    

Wala ka ng posibleng hilingin kapag nakumpleto na ang mundo mo.
Tanging mga salita ng pasasalamat ang kakawala mula sa puso mo.
Hawak mo na ang yamang hindi kayang angkinin ng sinuman – pamilya.

Hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman.
Gayundin ang sakit nang lisanin ng haligi ang aming tahanan.

Kasabay ng pagkawasak ng pagkatao ko ang pagguho ng mundo naming pamilya.
Mayroon pa pala akong posibleng hilingin.
Mayroon pa dapat isang bagay na laman ang aking dasal bukod sa pasasalamat.
Nakalimutan kong hilingin sa kalangitan na panatilihing buo ang aking mundo.
Nakalimutan ko na posibleng bawiin ang isang bagay na bumubuo sa pagkatao ko.

Nagmakaawa ako ngunit hindi tumugon ang langit.
Tanging malakas na pagbuhos ng ulan ang naging pakikiramay.

Hindi ako tumigil magdasal pero itinigil ko na ang mabuhay sa nakaraan.
Nagpaalam ako sa sakit at mga hindi masagot-sagot na bakit.

Sinubukan kong buuin muli ang nawasak naming mundo.
Pinulot ko bawat piraso, baka pwedeng punan 'yong lumisan.
Ngunit kahit anong pilit, kahit anong pagpupursige,
hindi ko na nabubuo ang naming mag-ina.

Sa pamamaalam ng haligi, onti-onting dumilim ang bawat pag-uwi sa tahanan.
Tumigil ang pagkinang ang ina na siyang dapat nagbibigay liwanag.
Araw-araw sinusubukang mabuhay muli.
Bumuo siya ng mundo, mag-isa at walang kapiling.
Nangungulila pa rin sa nawalang pag-ibig habang ako'y nangungulila sa isinara ng tahanan.

Sino TayoWhere stories live. Discover now