Gabi

107 4 2
                                    

Nasaksihan mo ba ang pagkinang ng mga mata niya?Parang mga bituin na nangungusapNakakamangha sa bawat pagkurapGinabayan ka ba niya gamit ang liwanag na nagmumula sa pagkatao niya?Parang buwan na tahimik na nananahan sa kalangitanNagbibigay ng kaun...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nasaksihan mo ba ang pagkinang ng mga mata niya?
Parang mga bituin na nangungusap
Nakakamangha sa bawat pagkurap
Ginabayan ka ba niya gamit ang liwanag na nagmumula sa pagkatao niya?
Parang buwan na tahimik na nananahan sa kalangitan
Nagbibigay ng kaunting liwanag na nagsisilbing gabay
Sa mapanganib na mga lansangan
Liwanag na nagsisilbing proteksyon sa dilim
Ginamit niya ba ang kakayahan niyang maglihim upang siguraduhin sa'yong hindi niya ibubunyag ang mga kwento mo at pananatilihing lihim?
Parang ang kalawakan na binabalot ng kadiliman
Naglalaman ng sikretong 'di malalaman
Hanggang sa mawala sa ala-ala

Sa paglalim ng gabi, nakikita mo ba siya?
Ang mga mata niya sa makikinang na tala
Nararamdaman mo bang pinagmamasdan ka niya?
Nakikita niya ang mga luhang ibinubuhos mo para sa kanya
Ang pagtawag mo sa pangalan niya sa iyong patulog
Naaninag mo ang pagkatao niya sa liwanag buwan?
Kung paano ka nito ginagabayan sa mga eskinita ng inyong lugar
Maging sa mag-isa mong paglalakad kanya ka pa ring pinoprotekhan
Sa pagtahimik ng paligid kapag nabalot na ito ng dilim, akala mo ba'y hindi niya matutuklasan ang iyong lihim?
Ang tahimik mong paghikbi
Ang pag-ngiting iyong pinipeke
Ang mga sugat na pilit tinatago
Nakikita niya pa rin ang lungkot na sa'yo ay bumabalot
Namaalam man siya ngunit alalahanin mong nakiisa siya sa kalawakan
Upang patuloy kang masilayan at protektahan

Sino TayoWhere stories live. Discover now