Babalik Siya

72 6 0
                                    

Bumalik siya dati,
Babalik din siya ngayon.

Baka babalik siya ngayon.
Sana bumalik siya ngayon.

Babalik pa kaya siya?
Nasaan na ba siya?

Inabot ng taon.
Inagapan lahat ng pagkakataon.
Hindi pinalipas ang panahon.
Nanatili sa nakaraang onti-onting naibabaon.

Babalik siya.
Bumalik siya dati.

Babalik din siya ngayon.
Baka hindi pa ngayon pero babalik siya sa tamang panahon.

Naghintay, nanlumbay ngunit nanatili pa ring nakasubaybay.

Babalik siya.
Sana.

Inabot ng ilang taon.
Pinalagpas lahat ng pakakataon.
Napag-iwanan na ng panahon.
Pagmamahal ang hindi pa rin naibaon.

Babalik siya ngunit hindi na sa parehong dahilan nang pagdating niya.
Babalik siya nang maghilom lahat ng sugat na iniwan niya.
Babalik siya nang makausad ka naz
Makapagpatuloy sa buhay na kay tagal hininto.
Daklutín lahat ng pagkakataon.
Hindi palagpasin ang sayang handog ng panahon.

Sino TayoWhere stories live. Discover now