At

63 2 1
                                    

Sa mga salita, pariralà at pangungusap, namagitan ka.
Nagdurugtong ng mga kwentong pinaglayo ng pagkakataon.
Bumubuo sa mga pirasong napunta sa iba't ibang panahon.
Sa pagitan ka lang matatagpuan,
wala sa unahan o kaya'y sa hulihan,
tanging sa kalagitnaan.

Hindi ikaw ang una.
Mayroong iba na nagbukas ng panibagong kabanata.
Ikaw ay pangalawang tauhan
Matatagpuan lang kapag kinakailangan.
Hindi ganoong binibigyang pansin ngunit kapag bumitaw na ang nauna saka lang mararamdaman ang iyong presensya.
Matatagpuan ang tunay na halaga.

Ikaw ang magiging pansamantala.
Pansamantalang magdurogtong.
Pansamantalang aagapay sa mga pirasong naiwan
dahil hangga't hindi niya nalalaman kung saan dapat tuldukan,
hangga't hindi pa natatagpuan ang lakas para pakawalan ang nasimulan,
Mananatili ka sa pagitan.

Ikaw ang tulay niya sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Ikaw ang permanenteng pansamantala sa mga mata niya.
Hindi ikaw ang huli.
May inaasahan siyang iba.
Ikaw lang ang tanging nagtutulay.
Wala ka sa simula at dulo.
Hawak mo siya habang itinatawid papunta sa panibagong tauhan ng kwento.

Sino TayoWhere stories live. Discover now