Bago Lumangoy Palayo

69 1 0
                                    

Kailanman hindi ako nangamba, hindi nag-alala dahil hindi ka sumisisid ng walang nakahandang sandata.
Lagi kang handang lumaban at makipagsagupaan ngunit hindi mo kailangang sisirin ang lalim na hindi mo kayang languyin.
Hindi mo kailangang tuklasin ang mga nakatagong sikreto ng karagatan.
Baka tanggayin ka lang ng alon palayo sa mundo mong pinanggalingan

Patuloy kang maghintay ng tamang pagkakataon hanggang sa ihandog na mismo nito ang sarili niya sa'yo.

Huwag mong sirain ang mahika na ibibigay sa'yo ng mundo.
Hayaan mo ibahagi nito ang sarili niya ng masilayan ng lipunan ang hiwagang angkin ng pagkatao mo.

Kapag dumating ang araw na lalangoy ka na palayo mula rito sa mundong kinalakihan.
Manatili kang handa.
Huwag mong pakawalan ang sarili mo sa mga alon na patuloy kang susubukin.

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon