Iilan lang

68 3 0
                                    

Araw-araw libo-libo ang binibigyang buhay
Iniluluwal mula sa napupunan ng Inay
Daan-daan ang pinipiling tahakin ang tahimik na lansangan
Upang simulan ang panibago buhay, malayo sa ingay ng lipunan
Ngunit sa dami, kakaunti lang nakasaksi
Kaunti lang ang nakadama
Iilan lang ang nakatagpo

Sa araw-araw mo pagdaan sa kalyeng ito
Ilang beses mo pa lang nakatagpo ang hinahanap mo?
Hindi mo siguro namalayan pero tumagal ang inyong tinginan
Nakatabi mo na sana siya pero pinili mong lumiko ng daan
Maaaring nakita mo na siya pero napalingon ka sa ibang direksyon
Hindi mo napansin pero pinapakawalan mo na ang pagkakataon

Sa araw-araw ilang beses ka lang pagbibigyan ng pagkakataon
Ilang beses ka lang hahayaang mapalingon
Hindi laging hahayaan ng tadhanang umayon ang panahon
Iilan lang ang napapalingon
Iilan lang ang nanatili sa kanilang kinatatayuan
Iilan lang ang nakakapansin sa pahiwatig ng tadhana

Kapag nakita mo ng siya
Huwag mong hayaan na lang
Huwag mo basta bastang lingunin
Habulin mo ng hindi na nakawin ng pagkakataon
Dahil iilan din lang ang kayang umaksyon
Kapag tadhana'y sa kanila sumang-ayon

Sino TayoOnde as histórias ganham vida. Descobre agora