Kami sana

133 4 0
                                    

Hindi mo malalaman kung kailan
Kung sinong magpapabilis ng tibok ng puso
Kung bakit siya ang nahuli ng iyong mga mata
Kung paanong siya pa rin ang mamahalin kahit saan pa abutin
Ako alam ko na kung kailan at sino
Pero sinusubukan pa ring alamin kung bakit at papaano
Kung tama pa ba na ipagpatuloy 'to

Natagpuan ko siya
Sa punto ng buhay ko
Kung saan naging tama ang mga desisyon ko
Bumalik ang dating sigla't tawa ko
Kaya't ng dumating siya
Umasa akong tatagal ang pananatili niya

Tumagal hanggang aking natuklasan
Hindi pala siya pwedeng magmahal
Mayroon na siyang minamahal
Mayroon ng nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso
Mayroon ng nahuli ang kanyang mga mata

Kami sana kung mas nauna lang ako sa kanya
Kung agad ko siyang natagpuan
Kung ako sana ang nahuli ng kanyang mga mata bago sa kanya
Sana hindi ako masasaktan

Kahit anong tama pala ng mga desisyon ko
Kahit gaano ako kasaya sa buhay ko
May mga bagay pa rin na susubukan kang magkamali
Susubukan kang maging pagkakamali
At ang mga bagay na 'to ang magbubura ng saya sa buhay mo
Papalitan ng lungkot pero huwag kang sumimangot
Ang mga bagay na 'to ay magsisilbing aral sa paglimot mo

Sino TayoWhere stories live. Discover now