Araw-araw
Hindi alintana ang bawat segundong lumilipas
Hindi alintana ang pabago-bagong panahon
Tahimik na naghihintay
Sa pagsapit ng liwanag at dilim
Sa magkasabay na oras at panahon
Nag-aabaang sa pagsapit ng dapithapon
Ngunit hindi mawari kung gabi o hapon
Dahil tulad ng pag-ibig mong handog
Ito'y nababalot na ng dilim
Hindi na maaninag
Kaunti na lang ay mamamatay na
Pero may kaunting liwanag na nagbibigay pag-asa
Yaong malabo na pero parang lumilinaw pa
Pawala na pero bumabalik pa
Ang kaunting liwanag na natatanaw ko
Ang tanging bumubuhay sa pag-asang
Baka bukas pwede pa
Baka bukas pwede na
Dahil hindi mo sinara ang pintong
Naglalayo sa mundo nating dalawa
Hinayaan mo kong sumilip
Sa kaunting bahagi ng buhay mo
Hinayaang umasang makakapasok muli ako
Ang pag-iibigang ito ang huling dapithapon ko
Ako na mismo ang magsasara ng pintong
Nagpasilip sa'kin sa mundo mo