Kadena

129 2 0
                                    

May tatlong bagay kang dapat matutunan sa pag-ibig.
Mga bagay na hindi mo matutunan kung hindi mo ito mararamdaman, kung hindi ka susugal at kung hindi mo susubukan.

Una, abot langit ang ligaya nitong dala.

Hindi ka mawawalan ng dahilan para lumaban.
Isusuong ka man nito sa digmaan.
Susubukan man ang iyong tibay.
Kahit saktan ka man nito hindi ka bibitaw.
Dahil ang tunay na nagmamahal ay patuloy na susugal at lalaban.
Pero kung ang pag-ibig na gusto mong panghawakan ng matagal ay naging kadenang ayaw kang pakawalan

Pangalawa, maging malaya ka.

Hindi mo kailangan maramdaman na nakulong ka sa hawla o sa kung ano pa mang bagay na maaaring magkulong sa'yo sa pag-ibig na pinili mo.

Ang magmahal ay ang maging malaya kahit pinag-isa na kayo ng tadhana.
Malaya kang magdesisyon kung para naman ito sa sarili mo at hindi makakasakit sa kahit na kanino.
Malaya kang gawin ang mga bagay na nais mo kahit hindi siya laging kasama sa plano.
Pero siguraduhin mong tama pa rin lahat ng gagawin mo dahil kapag nagkamali ka,
kahit isang galaw, magbabago kaagad ang takbo nito.

Ano mang higpit ng kadenang may hawak sa'yo,
ang mali ay mananatiling mali.

Kaya pangatlo, bumitaw ka na bago ka pa magkamali.

Kahit na gaano pa ito kasakit.
Mas bibigat lang ang kadena dahil hindi mo na alam kung paano papakawalan ito.
Bitaw na habang maaga pa.
Huwag kang maglakad ng may kadena sa paa.

Sino TayoWhere stories live. Discover now