Hindi na maaari

62 2 2
                                    

Huwag kang magpapadala kapag binigyan ka ng titulo ng mundo na mas mababa pa sa dignidad mo bilang tao
Huwag kang magpahila sa mga kabiguang hindi naman dapat pinagluluksaan porket ito ang nakasanayan
Huwag kang magpasindak sa mga hamong pinipiraso ang tibay ng loob mo
Huwag mong hayaang gawin ka nilang mahina
Huwag kang pumayag sa alok nilang paglaya dahil ito'y pagtakas lamang sa mga kamaliang gusto mong itama
Huwag ka nang magpaniwala sa kasinungalingang binabalot sa kumot ng realidad
Hindi lahat ng realidad ay tama
Hindi lahat ng katotohanan ay nakalakip sa realidad
Hindi lahat ng totoo ay makita ng mga mata mo
Gamitin mo ang puso para hanapin ito
Hindi na maaaring linlangin pa tayo ng mundo
Hindi na maaaring mamayanin ang lungkot sa puso mo
Karapatan mong maging karapat-dapat sa mga bagay na pinaghirapan mo
Hindi mo kailangang lunukin ang mga insultong ibinabato sa'yo
Saluhin mo ito
Bumuo ka ng pader na magpoprotekta sa'yo

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon