Repleksyon

49 5 1
                                    

Panay ang tanong ko kung paano mangibabaw tulad nila
Kung paano makaagaw ng atensyon ng hindi napapansin
Mahalin at sabihing "Maganda ka"
Nais kong madama ang pangingiliti ng matatamis na salita sa'king kaluluwa
And madama na mayroon ka pa natitirang halaga

Araw-araw binabagtas ko ang lansangang puno ng mapanghusgang mga mata
Lipunang pinamamayanihan ng inggit pero sarili ay akin pa ring pinipilit isiksik
Sino ba namang ayaw magkaroon ng lugar sa lipunan?
Sino ba ang ayaw na kilalanin ng mga mamamayan nitong bayan?
Ngunit sa aking pag-uwi, humarap ako sa salamin
Ako rin lang
Ako rin lang ang makakapagsabi sa mga kwentong nananahan sa aking mga labi
Ako rin lang ang makapagpapakahulugan sa mga sugat na naiwan
Kung ano ang katotohanan sa mga bakas ng luha sa aking mukha
Ako lang ang may alam kung sino ako
At kung anong nakatago sa kaibuturan ng pagkatao ko

Hindi ko kailangan ng iba para ipakilala ako sa sarili ko
Hindi ko kailangan mangibabaw sa paraan nila
Hindi ko kailangan mag-agaw atensyon para mapansin
Mahalin para masabihang "maganda ka"
Ang totoo mas mangingibabaw ang sariling kagandahan,
Kapag nauna mong mahalin ang sarili bago ang ikaw na ipinapakilala sa'yo ng mundo

Sino TayoWhere stories live. Discover now