Bayang Sinilangan

129 4 3
                                    

Sa pagputok ng araw, matutunghayan ang asul na kulay ng karagatanna syang replekyon ng kalangitan,bulubunduking puno ng halamang bumubuhay sa mga mamamayan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa pagputok ng araw, matutunghayan ang asul na kulay ng karagatan
na syang replekyon ng kalangitan,
bulubunduking puno ng halamang bumubuhay sa mga mamamayan.

Islang napapalibutan ng katubigang punong puno ng kayamanan.
Ang lupa at ilalim ng karagatan, sisirin at tuklasin lahat ng tinatago nitong yaman.

Sa pagtungtong mo sa siyudad, makikita mo kung gaano umusbong ang pagbabago mula sa kinamulatan mong mundo, magpapamangha sa'yo.

Natural man o binuo ng tao.
May taglay na ganda ang mga ito.
May yamang ipagmamalaki sa mundo.
Mga bagay na magpapanatili sa'yo.

Sa pagsapit ng dapit hapon, matutunghayan ang kakaibang kulay ng kalangitan, nakakapanibago.
Patuloy na nagpapamangha sa'yo.
Magmamarka sa alaala mo.

Ang mga bulubunduki't karagatan ay magtatago sa kadiliman ngunit mananatiling nariyan.
Iyo na lang mararamdaman.
Hahanap-hanapin hanggang sa susunod na pagputok ng araw dito sa bayang tinuring mong tahanan.

Sino TayoWhere stories live. Discover now