Kung Manumbalik

474 11 2
                                    

Sana ika'y manumbalik
Balang araw, muli mo sanang matagpuan ang daan pabalik
Nang bumalik ang sabik pati na rin ang tamis ng iyong halik

Uungkatin natin ang nakaraan
Bigyang daan ang dating pag-iibigan
Ang tapos na ay muling sisimulan
At sana ay hindi na wakasan

Kung saang daan ka man napunta
Alam kong matatagpuan din kita
Hindi man ngayon pero siguradong tayo'y magkikita
Masisilayan ko ring muli ang kinang sa'yong mga mata

At manunumbalik ang mga ngiti
Malilimot and mga paghikbi
Mangingibabaw ang tili
Sa 'yong gagawing pananatili

Sino TayoWhere stories live. Discover now