Sayaw nang pagbitaw

110 3 0
                                    

Sa huling tugtugin nitong gabing lumalalim
Ikaw ay akin isasayaw
Muling ililigaw sa saliw ng musikang hindi masabayan
Hindi na hihilingin pang manatili o kung ano man

Ika'y aking papakawalan
Gamit ang sayaw na itutulak ka patungo sa iba
Hindi na aasahang kamay mo'y sa'kin maibabalik pa
Hahayaan na kita
Hindi na mangugulo pa

Sa huli nating sayaw
Makita ko sanang muli ang ngiti sa iyong mga labi
Ang kinang sa'yong mga matang nilulunod ako patungo sa kalawakan
Mahawakan ko man lang ang kamay na dati'y ayaw kong pakawalan

Tama nga siguro sila
Darating ang panahon na bibitawan kita
Kahit gaano pa kita kamahal
Kakayanin kong tuluyan ka ng mawala sa paningin

Bago pa matapos ang awitin
Isasayaw kita hanggang sa mapagod ang aking mga paa
Upang sa paglayo mo'y hindi na kita habulin pa
Ng hindi na rin umasang sa bawat pag-ikot ko sa'yo ay sa'kin pa rin ang balik mo

May isang sayaw na minsan ay naging tungkol sa'tin
Ngunit hindi lahat ay kayang sabayan ng mga paa ko
Hindi sa lahat ng ikot, ako ang makakasalo sa'yo
Alam kong natagpuan mo na siya sa maraming uri ng sayaw
Kung saan walang mga paa o pusong naapakan
Walang sakit ang iindahin pagkatapos ng awitin

Heto na, ang huling piyesa na maisasayaw kita
Ito ang sayaw ng pagbitaw ko sa'yo
At sa lahat ng mga tugtuging ika'y aking nasaktan
Paalam sa'yo at huli nating sayaw

Sino TayoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu