Titulo

44 0 0
                                    

Sa kwento ng alikabok ng nakaraan, nasilip kita
Nasilayan ko ang maliit na bahagi ng hiwagang bumabalot sa'yo
Sinubukan kong tuklasin ang mga sikretong tinatago mo, sisirin ang lalim ng iyong pagkatao
Napaibig ako sa maliit na bahagi ng iyong sarili ngunit nanatili kang misteryo

Paunti-unti ko binabaklas ang mga harang na pumapalibot sa'yo
Nais kong makita ang kabuuan mo kaya hinanap ko ang daan patungo sa'yo
Sumabak sa digmaang akala'y buo ang kahandaan ngunit walang naging handa sa digmaan
Mayroon lang mga sundalong walang takot lumaban

Inaasam kita ngunit nakakapagod ang habulin ka
Ilang ulit,  paulit-ulit ang pagkadapa ngunit tanging iyong pagsilip ang aking natanggap
Hindi ko maintindihan ang takbo ng iyong isipan
Magulo ang iyong konsepto
Isa ka pang uri ng panibong digmaan na dapat paghandaan
Kakaibang labanan ang hatid mo sa mga sundalong lumalaban para sa'yo
Bukod sa dugo at pawis, hinihingi mo'y tunay na pag-ibig
Pag-ibig na may lalim ng dahilan na hindi maipaliwanag
Iniibig kita sa kabila ng magulong konsepto mo ng pag-ibig at pakikidigma

Bumangon ako mula sa pagkakadapa
Ano mang distansyang sa atin ay naglalayo, gugustuhin pa rin kita
Walang lalim ng karagatan ang kaya akong lunurin
Walang lawak ng lupain ang hindi ko susuyurin
Hahanapin kita gamit ang bakas ng mga nauna

Luluha pa rin ako sa'yong pagtawa ngunit ito'y luha ng pakikibaka
Magdurugo ako ngunit ito'y para sa'yo at sa tahanang uuwian ko
Ipaglalaban kita kahit sabihin ng katawan kong tama na
Maaaring mapagod ako, huminto at mawalan ng gana, hintayin mo pa rin ako
Aangkinin pa kita, inhinyerong titulo na pinapangarap ko

Sino TayoWhere stories live. Discover now