Huling Ulan

162 4 4
                                    

Takot ka sa ulan
Kaya't pinili kitang iwan
Sa ilalim ng kulog at ulan
Dahil mas madaling lumisan
Kapag napapalibutan ka na
Ng iyong kinakatakutan

Ngunit nagkamali ako

Binaybay mo rin ang daang
Tinahak ng aking mga paa
Habang ika'y aking nililisan
Kahit takot na takot ka na
Sa napakalakas na tunog ng kulog
Kahit bakas na ang mga luhang
Kumakawala mula sa'yong mga mata
Kahit nahihirapan ka na

Hindi pa rin kita binalikan

Hindi ko pinansin ang katawan mong
Nanginginig na sa takot at lamig
Hindi ako nag-abalang pakinggan
Ang iyong naging pagsigaw
Hindi ako nasaktan na itinatago
Ng ulan ang iyong mga luha
Hindi ako nanghinayang
Sa posible mong pagkawala

Ngunit 'di ko inasahang
Tuluyan kang mawawala

Parang biglang nawalan ng saysay
Ang unti-unting kong paglisan
Nang makita kitang nakahandusay
Sa malamig na sementong
Kanina pa lang ay iyong kinatatayuan

Hindi ako makagalaw
Hindi makasigaw

Nagsimulang kumapal bilang ng tao
At ika'y kanilang pinalibutan
Dumanak ang iyong dugo
At sumabay sa agos ng tubig sa lansangan
Ika'y kanilang pinagtitinginan
Pero hindi kita magawang tignan
Puso ko ay nanlumbay

Lumakas ang sirena ng ambulansyang
Rumespunde para ikaw ay sagipin
Pero heto pa rin ako, hindi makagalaw
Nananatili sa aking kinatatayuan

Lumipas ang mga araw
Nabalitaan ko na lang na ika'y pumanaw
Hindi pa rin ako makagalaw
Hindi ko pa kayang harapin ang bukas

Nabubuhay pa rin ako
Sa araw ng iyong pagkawala

Naalala ko pa rin
Kung paanong hindi ko ininda
'Yong sakit at mga luhang
Sa'kin ay iyong pinapadama
Ang hindi ko pakikinig
Sa sigaw ng iyong pagmamakaawa
Ang pagsawalang bahala ko
Sa takot mo sa ulan

Patawarin mo ako

Hindi ko gusto mauwi tayo sa ganito
Kung alam ko lang na ito ang kakahantungan
Sana ika'y aking binalikan
Hindi
Dapat hindi kita iniwan
Hindi sa ilalim ng ulan
Hindi dapat kita hinayaang masaktan

Ito na siguro ang parusa sa'kin ng kalawakan
Sa hindi sapat na pagmamahal ko para sa'yo
Sana balang araw kapag tumila na
Ang mabigat na pagbuhos ng ulang
Mula sa'king mga mata
Maging ang pagkawala ng takot ko sa kulog
Na patuloy bumabagabag sa'king kalooban
Sana maging karapat-dapat ako sa iyong kapatawaran

Sino TayoWhere stories live. Discover now