Kalawakan

83 5 0
                                    

Sa mga hiwaga ng kalawakan, alin ka doon?
Ang araw ka ba, ang buwan, mga talang walang kupas sa pagkinang, kometang bigla na lang babagsak mula sa kalangitan o isang bagay na hindi pa natutuklasan?

Ikaw nga ba ang araw na siyang sentro nitong mumunting sistema?
Kakatiting na bahagi ng napakalawak na kawalan.
Hindi matagpuan ang katapusan.
Nananahan sa hindi akmang kalagitnaan.
Patuloy nagbibigay sinag sa lahat ng may buhay hanggang sa dumating ang kamatayang hindi pa alam kung kailan.

Baka ikaw ang buwan.
Kadalasang sa kadiliman lang natatanaw.
Sa iba't ibang porma nasasaksihan ngunit dala-dala pa rin ang angking kagandahan.
Hindi man ganoon napapansin ng karamihan sa liwanag,
ikaw naman ay gumagabay sa pagsapit ng kadiliman.

Pero baka isa ka sa mga tala.
Bukod sa buwan, agaw pansin ka rin kapag mundo'y nabalot na ng dilim.
Walang humpay ang pagkinang.
Nagpupuno sa mga espayong ng kalawakan.
Binabalot ng liwanag ang kumot ng kalangitan.

Kung hindi ka tala, siguro isa kang kometa.
Napakaganda kapag tayo't magkalayo sa isa't isa.
Parang punong-puno ka ng mahika.
Sinasakatuparan bawat hiling na ibinabato sa kanya.
Balot na balot ka ng hiwaga.

Sa lahat ng nabanggit baka hindi ka isa sa kanila.
Siguro hindi ka pa nakikilala.
Hindi pa nabibigyang pangalan
Isa ka pa sa misteryong bumabalot sa mundo.
Naghihintay na matuklasan ng tao.

Sino TayoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt