Habangbuhay

52 3 0
                                    

Binulag ako ng liwanag ng mga rumaragasang sasakyan
Pinabagal ang pagkilos ko nang salpukang aking nasilayan
Nabingi ako sa ingay ng siren ng ambulansya
Nawasak ako nang tanggayin ka ng langit mula sa'kin

Araw ng biyernes, mabigat noon ang trapiko
Hindi ko alam kung saan liliko mula sa kumpulan ng sasakyan
Maraming pauwi mula sa nakakapagod nilang mga trabaho
Pero hindi ako, 'di alintana ang pagod basta ika'y makita

Sumingit ako ng makauwi na
Ano bang nagpapabigat nitong trapiko?
Araw-araw na lang ganito
Pinapatagal ang bawat pagkikita
Nakakabagot at pipilitin kang sumimangot

Habang umuusad ako sa daan ng mga sasakyang 'di gumagalaw
Lumakas ang kabog sa dibdib ko
Parang may planong lumabas mula sa katawan ko
Nagdahan-dahan ako
Baka tanggayin ang buhay ko sa gitna ng trapiko

Nang makatakas ako mula sa siksikan ng mga sasakyan
Bumagal bigla ang mundo ko
Hindi ko narinig ang ingay ng ambulasyan sa paligid
Hindi ko napansin ang pagbabago ng ilaw trapiko
Sumugod ako kung saan winasak ng ten-wheeler truck ang kotse mo

Nanghina ako
Parang binangga rin ako ng ten-wheeler truck
Winasak ang puso ko at tinangay ka palabas mula rito
Hindi ko alam kung paano ka ibabalik
Hindi ko alam kung paano kita aagawin sa langit

Sa bawat araw ng biyernes,
Wala nang manunumbalik na sabik
Magiging puno na lang ito ng sakit
Habangbuhay ko nang hindi babagtasin ang trapiko sa araw na 'to
Nang wala akong makitang ten wheeler truck na winawasak ang ala-ala ko sa'yo
At nang hindi ko na isiping maaaring isa sa kanila ang susunod na wawasak sa pagkatao ko
Nang hindi ko na masilayan ang liwanag ng mga sasakyan posibleng tumangay muli sa puso ko

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon