Entablado

69 1 0
                                    

Hiyawan. Palakpakan. Mga papuring itinataas ka sa kalangitan
Inilalagay ka sa rurok ng tagumpay
Saya ay nagiging walang humpay
Nagpupuno sa inaasam na buhay
Ang mapansin
Ang tingalain na parang butuin
Ang maging sentro ng atensyon sa pinili mong propersyon

Ngunit hindi natatapos sa papuri
Hindi rin sa pagkamit ng tagumpay
Patuloy ang proseso
Ang paghihirap ng makamtan muli ito
Nang masuklian lahat ng pagod mo

Ang pagtayo sa entablado,
Sa harap ng maraming tao
Simbolo ng paghihirap mo
Kapalit ng dugo't pawis na ibinuhos mo
Kaya't kapag ibinigay na sa'yo ang entablado
Angking mo ito na parang sa iyo
Huwag mong ng hayaang makawala sa palad mo

Magpatuloy ka sa pagkamit ng ninais mo
Huwag kang malunod sa mga papuring itinataas ka rurok ng tagumpay
Ng hindi matagpuan ang sariling talunan
Suklian lahat ng biyaya ng May kapal

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon