Ekstra

66 4 0
                                    

Wala sa'kin ang kamera
Walang spotlight sa'king ginagawa
Sa mga kilala, mga bihasang artista
Sa kanila'y laging nakatutok ang kamera
Sa kanila ang liwanag na nagmumula sa spotlight
Mga bagay na hindi sa'yo nakatadhana
Kapag isa ka lang na ekstra

Hindi man bida pero napapasama sa pelikula
Hindi gaanong natututukan ng kamera
Kasi hindi naman importante sa eksena
Dalawang beses sa isang libong eksena
Ako ay mahahagip ng kamera
Maswerte na kung umabot ng lima
Mapansin man lang ng aking pamilya

Hindi tulad sa bida ang aking bayad
Sapat lang ito para makausad
Sapat para pangarap ng anak ay matupad
Ngunit nangangarap pa ring maging kilalang artista
At mapabilang sa kinamulatang industriya

Sa susunod sa'kin na nakatutok ang kamera
Hindi na lang basta-bastang mahahagip sa eksena
Magiging batikang artista, hindi lang basta-basta ekstra
Darating ang pagkakataon na sa'kin naman ang spotlight nitong industriya

Sino TayoWhere stories live. Discover now