Alimango

281 11 0
                                    

Papataas na pero hinila pa.
Matagumpay na sana, ibinagsak pa.

Gaano kapantay ang gustong pagkapantay-pantay?
Kailangan ba laging magkakalebel o baka ayaw mo lang masapawan?
Masyado bang naapak-apak yang ego mo at takot na takot kang malagpasan?

Paano na lang ang kabuuang tagumpay kung lahat ay naghihilahan?
Paano na lang uusad itong bayan na dati ng nasa hulihan?

Sa pagkakaalaa ko, hindi tayo mga alimango.
Hindi dapat tayo naghihilahan at naninira ng ibang tao.

Pero bakit parang alimango kung umasta ang mga Pilipino?
Bakit parang hayop na kung umakto?
Parating nagsasapawan.
Parang laging mawawalan ng lugar sa lipunan.

Tingnan mo ngayon kung anong nangyayari sa bayan.
Napakabagal ng pag-usad.
Napakatagal ng proseso.
Kung hindi lang madamot ang mga nagpaptakbo nito,
matanggal na sana tayong umasenso.

Sino TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon