Galit pa rin ang mundo

98 3 0
                                    

Ano ka ba sa mundong ginagalawan mo?
Tingin pa ba nila sa'yo ay isang normal na tao
O baka naman tinuturing ka ng hayop dahil sa pananamit mong 'di tugma sa itsura mo?
Marahil ay hindi naiintidihan ng karamihan ang pagtanggap na dapat sa inyo'y nakalaan
Hindi lang nakabase sa kasarian dahil hindi lang naman ito ang pamantayan
Maraming bagay ang nagpapakahulugan sa pagkatao ng isang indibidwal
Ngunit wala sila sa lugar upang kayo'y pakialaman

Kung hindi tugma ang kasarian mo sa galaw mo
Huhusgahan ka nila
Kung hindi tugma ang itsura mo sa pananamit mo
Huhusgahan ka nila
Kung hindi tugma sa paniniwala nila ang pagkatao mo
Huhusgahan ka nila
Kung hindi tugma sa bibliya kung ano ka ngayon
Huhusgahan ka nila
Kahit iilan lang kumikilala sa banal na kasulatan
Kahit baluktot ang kanilang mga pananaw
Kahit hindi kaaya-aya ang kanilang pananamit kapag nasa kalsada
Kahit hindi magatarungan ang kanilang mga gawain
Gagamitin nila itong basehan upang ibaba ang lebel mo
Gagamitin nila ang mga ito para bumaba ang tingin mo sa sarili mo
At itaas ang mga sarili nilang walang ginawa kundi manghusga

Kahit gumawa ka pa ng mabuti
Kahit itama mo pa ang pagakakamali
Sa mata nila isa ka ng pagkakamali
Galit pa rin ang mundo
At mananatiling ganito
Kung hindi nila titignan ang kabutihang bumabalot sa'yo

Sino TayoWhere stories live. Discover now