Kampana

107 2 0
                                    

Dulot ay ingay
Sa iba ay abala
Kapag tumunog na ang kampana

Kung napakinggan mo ba
Yaong ingay na tinutukoy nila
Titigil ka ba
Maalala mo ba Siya?

Sa araw-araw na binagbagtas mo ang parehong daan
Kung saan nakatirik ang simbahan
Naisipan mo bang magdasal
At humingi ng gabay sa Maykapal?

Ilang beses tumutunog ang kampana
Para ika'y paalalahanan na Siya'y  naririyan
Baka pwede mong puntahan, lapitan
Kahit ilang minuto lang

Siya'y laging naghihintay lang
Bukas ang mga pintuan ng simbahan
Sa kung sino mang nais Siyang lapitan
O kaya'y makausap Siya ng masinsinan

Bukas ito para sa'yo
Hindi lang sa mga panahong
Ginigipit ka na ng pinagkakautangan mo
Hindi lang sa mga panahong
Kukunin na ng banko ang tirahan niyo

Hindi lang ito bukas sa pangangailangan mo
Bukas rin ito para sa pasasalamat
Para mga biyayang naibigay Niya
Bago mo pa hingin sa Kanya

Naririyan lang Siya
Kapag mayroon kang pagdududa
Kung kailangan mo ng kasama
Hindi ka iiwang mag-isa
Saan ka man magpunta kasama mo Siya

Sa tunog ng kampana
Sana maalala mo Siya
At kung paanong kailanman hindi ka naging abala
Kahit minsan mo lang Siya maalala

Sino TayoWhere stories live. Discover now