Alin

208 10 1
                                    

Lagi may pagpipilian.
Laging may tama at mali.
Laging mayroong isa na nagbibigay ngiti at isa na magbibigay hapdi.

Alin ka doon?

Tulad ka ba ng mga komedyanteng hindi alintana lahat ng pagod at hirap.
'Di bale na kung kakarampot ang kinikita basta't makapagbigay saya sa madla?

O baka katulad ka ng mga politikong laging nakatuon ang mata sa pera.
'Di bale nang naghihirap ang iilang parte ng bansa basta mayroon lang maibulsa?

Laging may pagpipilian.
Sa pagitan mo at ng bansa.
Laging may sakripisyo.
Laging may lilisan at mananatili.

Alin ang kaya mong isakripisyo?

Gusto mo bang manatili kasi gusto mo naman unahin ang sarili?
'Yung pangsariling kasiyahan naman kasi parang ikaw na yung napag-iiwanan?

Pananatili na maaaring hindi na maibalik kapag sinubukan mong umalis.
Kaya't gusto mong nandito ka lang at kasama ang iyong minamahal.

Pero baka handa kang bumitaw.
Magpalaya nang mawala na ang problema kahit para kang dinaraya ng tadhana.
Magsasakripisyo pa rin para sa iba.

Alam mo na minsan mas mahalaga kung saan sila masaya kahit ang dulot nito ay pagpapalaya.
Malungkot pero dapat isuko dahil may mga bagay na mas importante kaysa sa sarili mo.

Lagi kang bibigyan ng pagpipilian.
Hindi mo lang alam kung kailan pero piliin mo yung sa tingin mo ay tama.
Hindi yung sa'yo lang magpapasaya isipin mo rin 'yung iba.

Hindi lang sa'yo ang mundo.
Piliin mong maging mabuting tao.
Para sa sarili mo at sa ikakaayos ng lipunang ito.

Sino TayoWhere stories live. Discover now