Daungan

80 1 0
                                    

Mayroon sanang sasalubong
Nagmamahal. Naghihintay sa daungan
Kahit abutin ng matagal
Nananatili sa kinatatayuan
Para patunayan ang nararamdaman
Pag-ibig na hindi iniinda ang pagkawalay
Damdaming hindi mapapantayan

Ngunit minsan kung saan mo iniwan
Doon sila napapagod maghintay
Nawawalan ng dahilan
Nakakaramdam ng kapaguran
Hindi dahil naglaho na ang nararamdaman
Hindi mo lang pinaramdam na mayroon pa siyang hinihintay
Mayroon pang aabangan kahit magkalayo man

Sa daungan na kanyang pinaghintayan
Iyo naman ngayong binabalikan
Sinasariwa ang ala-ala ng kanyang paghihintay
Ang pagkasabik sa'yong pagbabalik
Ang pagyakap ng hangin sa kanya
Hinihiling sana'y yakap mo na lang
Ang pagdampi ng lamig sa kanyang mga labi
Sana'y tamis na lang ng iyong halik

Ngunit huli na
Sumabay na siya sa ihip ng hangin
Inilalayo siya mula sa daungang
Hindi nagbigay sa kanya ng kasiguraduhan
Kasiguraduhan na siya'y iyong babalikan
Kaya mas pinili niyang lumisan
Bago ka pa makarating sa daungan

Sino TayoWhere stories live. Discover now