2

7K 312 8
                                    

Sa aking pagbalik sa bayan ay bagong Kid na ang makikita nila. Lumipas na ang isang taon at malaki na ang pagbabago sa aking sarili pati narin ang aking pisikal na katawan.

Sa loob ng isang taon, tinulungan ako ni Val na makuha ang hinahangad ko. Lumaki na ang aking katawan na sakto sa aking edad. Medyo humaba na rin ang aking kulay itim na buhok.

Tinuruan niya akong gumamit ng armas. Gumawa ako ng kahoy na espada at iyon ang ginamit kong sandata. Tinuruan din niya akong gumamit ng pana, sibat, at iba pa.

Tinulungan din niya akong palakasin ang aking pisikal na katawan. Pinapabuhat niya ako ng mga bato, mga kahoy at iba pa. Pinagawa niya ako ng isang bahay na gawa sa mga materyales na nasa paligid namin.

Hindi lang iyon, bumilis rin ang aking pagkilos. Pinapatakbo niya ako sa isang sapa na puro putik. At marami pang iba.

Marami ang nangyari sa loob ng isang taon. Sa loob ng isang taon, nakilala ko ang totoong Val.

Isa siyang mabait at matulungin na tao. Matalino siya at hindi madaling maloko. Sa tagal na niyang nabubuhay kasama ng pagkakakulong niya sa loob ng kwintas, marami siyang natutunan at sa loob ng isang taon, itinuro niya iyon sa akin.

Tinuruan niya akong gumawa ng mga potions at pills. Iba't ibang uri ng potion gamit lamang ang mga pangkaraniwang materyales na makikita dito sa loob ng Spirit Forest.

Tinuruan niya ako tungkol sa mga spirits. May mga bagay palang hindi tinuturo sa paaralan na matututunan mo lamang sa totoong karanasan. Nakasalamuha rin ako ng mga malalakas na Spirits. Nakakita na ako ng nasa 1,000 year Spirit pero hindi pinakuha sa akin iyon ni Val. Ang sabi niya ay may mas malakas pang Spirit ang para sa akin kung kaya't hindi kaialngang magmadali.

Marami pa siyang itinuro sa akin. At lahat ng iyon ay pilit kong tanggapin at magawa ng maayos.

Ibang iba na ako sa dating ako.

Nandito na ako ngayon sa harap ng Gate at papasok muli papunta sa loob ng bayan.

Dahan dahan ko itong binuksan at nakalabas na ako ng Spirit Forest. Nakakapanibago rin pala kapag nawala ka sa lugar na kinasanayan mo noh!

Naglalakad ako pabalik sa pwesto ni Aling Matilda. Ang lugar na ito ay walang masyadong pagbabago. Ang mga bahay ay ganoon parin, mga tindahan, mga tao at iba pa parang walang nagbago.

Nang nakarating ako sa harap ng tindahan, sarado ito. Kung kaya't kinatok ko ang tindahan. Nagbabakasakaling nandoon si Aling Matilda.

Dahan dahan ko itong kinatok.

"Tao po!? Aling Matilda?" Sabi ko.

Nang tinawag ko ang kanyang pangalan ay dahan dahang bumukas ang kanyang tindahan. Mayroong sumilip na isang babae. Si Aling Matilda.

"Sino ka? Patawad pero sarado na ang tindahang ito." Sabi niya.

"Ako po ito Aling Matilda! Si Kid!" Sabi ko. Nang sinabi ko ang aking oangalan ay tinitigan niya ako ng mabuti.

Para bang sinusuri niya ang aking katawan kung ako nga ba si Kid.

"Ako po ito Aling Matilda. Bago po ako umalis isang taon nang nakalipas, binigyan mo ako ng mga potion para sa aking paglalakbay. At nakalipas ang isang taon, nandito na po ulit ako." Sabi ko sa kanya.

Nang sinabi ko iyon ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Para bang nagkaroon siya ng pag asa mula sa kalungkutang kanyang nararanasan.

"Kid! Ikaw nga! Pinag alala mo akong bata ka!" Sabi niya. At pinapasok niya ako sa kanyang tahanan.

SpiritsWhere stories live. Discover now