15

4.5K 216 7
                                    

Sinimulan na ni Kid ang kanyang Cultivation. Sa tantya niya ay sapat na ang isandaang Body Nurturing Pill para makaabot soya sa 5th Mortal Realm o di kaya'y lumampas pa doon. Pero hindi niya masyadong bibilisan ang paggamit ng pill na ito. Makakakuha siya ng masyadong maraming atensyon kung sakaling makaabot agad siya ng 5th Mortal Realm sa loob lamang ng isang buwan.

Inilabas niya ang dalawang pill. Ipinasok na niya ang isang pill sa kanyang bibig at sinimulan na ang pagku cultivate. Habang nakapilit si Kid, parang nasa kalawakan siya.

Ang tawag sa nakikita ni Kid ay ang Cultivation Galaxy. Ito ay ang representasyon ng kanyang Cultivation. Kulay puti ito na may mala bagyong itsura. Binubuo ito ng mgaraming mga bituin at mala ulap na usok.

"Ano ito?" Aniya sa sarili. Lumabas rin si Master Val sa singsing pati si Sky. Tatlo silang nasa loob ng Cultivation Galaxy.

Naramdaman ni Kid na unti unting umiinit anGkanyang katawan. Ang Cultivation Galaxy naman ay parang bulkan na may sumasabog sa gitnang bahagi nito.

Ilang sandali pa, ang init na naramdaman ni Kid ay parang haplos ng isang malambot na ulap na yumayakap sa kanya. Naramdaman niya ang maliliit na pagsabog sa loob ng kanyang katawan at makikita ito sa Galaxy.

*Peng!

*Peng!

Ilang sandali pa, pumasok na sa katawan ni Kid ang init na naramdaman niya na para bang imuukot sa kanyang tiyan. Unti unti namang lumiliwanag ang isang bituin sa Galaxy. Kulay puti ang bituing iyon at mas malaki kumpara sa ibang mga bituin.

*Blash!

Parang mayroong pumutok na bomba sa galaxy at ang resulta nito ay ang malaking bituin na nakikita ni Kid.

"Teka, nasa 1st Mortal Realm na ako!" Aniya.

Ang bituin na nakikita ni Kid sa Galaxy ay ang kanyang Cultivation. Ang 1st Mortal Realm. Naintindihan ni Kid ang ibig sabihin ng Cultivation galaxy at uminom nanaman ng isa pang Body Nurturing Pill at ipinagpatuloy ang kanyang Cultivation.

Sa isang buong linggo, naging usap usapan ng mga bagong gwardya ang patimpalak sa barracks. Natuwa ang lahat dahil bukod sa kada buwan nilang natatanggap mula kay Priest Meng na Pill at 10 Silver, may ganito ring patimpalak para magkaroon pa ng pagkakataon na makakuha ng isa pang pill na makakatulong sa kanila.

Dahil sa patimpalak ay naengganyo ang mga ito sa pagsasanay ng kanilang Martial Art Skill para mapalakas ang kanilang sarili at makapaghanda sa patimpalak.

Mayroong 15 na kalahok sa patimpalak at ang mga matunog na pangalan sa kanila ay sila Lee, Jay at Monet.

Sa loob ng isang linggo ay nakaabot na si Lee sa 1st Mortal Realm peak. Sa tulong ito ni Ana na binobigyan si Lee ng mga pills para makatulong ito sa kanyang Cultivation.

Si Jay naman at Monet ay kasama sa mga mayayamang Cultivators sa mga Gwardya. Dahil nga mayayaman ay madami silang pera sa pagbili ng mga pills. Mayroon din silang kalayaan namakakuha ng mga Martial Arts Skills kahit na sobrang mahal at hirap makahanap nito. Ang dalawa ay nakaabot na sa kanilang 2nd Mortal Realm dahil doon.

Naghahanda na ang lahat sa gaganaping patimpalak. Mayroong isang malaking entablado sa harapan nila. Hugis bilog ito at may pulang bilog na pintura na mas maliit sa entablado bilang marka.

Sa harapan ay nakatayo sila Priest Meng at si Priest Xiao. Sila ang magiging hatol sa gaganaping Patimpalak.

"Sisimulan na natin ang patimpalak! May mga numero kayong hawak at ang mga numerong iyan ang magiging  batayan ng ating palaro. Bubunot ako sakahong ito ng inang kalahok at bubunot si high Priest Xiao para sa makakalaban ng nabunot kong numero." Aniya sabay taas ng isang kahon.

SpiritsDär berättelser lever. Upptäck nu