9

4.2K 226 17
                                    

"Ngayon, bibigyan namin kayo ng pagkakataon na makakuha ng inyong Fate Beast." Aniya. "Ang Fate Beast ay isa sa mga hiwaga ng mundong ito. Isa sila sa mga hindi maipaniwalang dahilan kung bakit tayo ngayon ay namamayagpag laban sa mga Goblins. Ito ang nag iisa nating armas laban sa kanila" aniya.

"Bawat Main City sa lupain na sakop ng mga tao ay may Beast Hall. Isa ito sa mga natatagong yaman ng mga tao. Bilang mga gwardya, bibigyan kayo ng Central City na makakuha ng sariling Fate Beast." Aniya.

Natuwa ang lahat sa narinig. Lalu na si Kid. Magkaiba man ang mga Fate Beast at Spirit Beasts, base sa kanyang mga nalaman ay malaki ang pagkakahawig ng mga ito at maaaring ngayon na ang pagkakataon niya para makakuha ng sarili niyang Fate Beast.

"Ito na ang pagkakataon ko." Aniya sa kanyang sarili at ngumiti.

"Isa isa kayong papasok sa loob ng Beast Hall. Pumila na kayong lahat at maghanda na." Sabi ni Priest Meng. Nasa tabi parin niya si Priest Xiao na nagmamasid.

"Hmm. Dito natin malalaman ang mga may potensyal sa pagiging Official Guard." Aniya kay Priest Meng.

"Hindi mo pa nakikita ang potensyal ng mga batang iyan. Huwag mong ibase lamang sa mga batayan mo sa pagiging Official Guard." Sagot ni Priest Meng sa kanya.

"Haha. Sabi mo eh" sagot nito pabalik at hindi na niya masyadong pinansin ang iba pang sinabi ni Priest Meng.

Isa isa nang pumasok ang mga gwardya. Nasa harap ni Kid si Lee na hindi na mapakali sa kanyang pwesto.

"Haha! Nanginginig ako Kid!" Aniya.

"Bakit naman?" Sabi naman ni Kid na walang alam kung bakit.

"Isa kasi sa mga basehan ang makukuhang Fate Beast para maging Official Guard." Sabi ni Lee kay Kid.

"Paano naman magiging basehan ang Fate Beast para maging Oposyal?" Nabuo ang malaking tanong sa isipan ni Kid.

"may mga Fate Beast kasi na nakatakda talaga para sa pakikipaglaban."aniya kay kid. Tinuro ni Lee si Priest Xiao na katabi ni Priest Meng. "Si Priest Xiao, ay isang Official Guard ng Central City. Ang kanyang Fate Beast ay Blaze Kong. Isang Battle Beast. Agad siyang natanggap bilang Official Guard dahil ang kanyang Fate Beast ay isang Offense-Defense Beast. Sinabi sa akin iyon ni Ana bago siya bumalik dito sa Capital." Tuloy ni Lee.

Ang Offense- Defence Beast ay isang Rare beast kung saan ang isang Fate Beast ay mahusay pagdating sa pakikipaglaban at sinabayan pa ng matinding depensa laban sa mga kalaban.

"Ah. Naiintindihan ko na." Sabi ni Kid.

"Siguro kaya nandito si Priest Xiao para makita ang may mga potensyal sa atin." Sabi ng nasa likod ni Kid. Mapayat ang isang ito pero mukkang matapang ang mukha.

"Tama ka nga riyan." Sagot ni Lee.

Lumabas na ang unang pumasok. Mayroon siyang kasamang isang ibon. Singlaki ito ng Black Feathered Sparrow ni Ana pero magkaiba lang ito ng kulay. Kulay pula ito, may tatlong mahahabang buntot na may apoy sa dulo ay may matulis na tuka. Mas malaki ang ibon sa lalaki na halos  salawang metro ang taas.

"Aba! Isang Blaze Sparrow. Ayos iyan bata." Sabi ni Priest Meng sa nakuhang Fate Beast ng lalaki. Nagbigay galang ito sa dalawang High Priest.

Napatango naman si Priest Xiao sa Spirit ng binata. "Medyo maganda ang nakuha niyang Fate Beast. Titignan ko nalang kung maganda ang Cultivation niya sa susunod na taon." Aniya sa sarili.

Ang gusto lang ni Priest Xiao at malakas na mga Official Guard. Siya kasi ang namumuno doon kung kaya't mataas ang kayang batayan para maging isang Official Guard.

SpiritsWhere stories live. Discover now