11

5.4K 282 5
                                    

'Sinasabi na ang bawat tao ay may kakayahan lamang na gumamit ng iisang armas sa kanilang mga kamay sa kanilang buhay. Ang armas na ito ay makakasama nila sa kanilang paglalakabay at pamumuhay sa mundo. Isang sandata lamang ang kaya nilang magamit kung kaya't pumipili sila ng armas na nababagay sa kanilang pamumuhay.

Ngunit nagbago ang lahat nang binalot ng kasamaan ni Vrendick ang mundo. Dahil sa kanyang kasamaan, tanging ang mga Espada na lamang at mga Pana ang armas na nais mahawakan ng tao. Mga armas na makakatulong sa pagligtas ng kani kanilang buhay.

Kung kaya't nagpadala ng walong armas ang Spirit King mula sa kanilang mundo. Ang 8 Mystical Weapons.

Mayroong 8 Mystical Weapons sa ating mundo na nanggaling sa Spirit World. Ang walong ito ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at hindi mapantayang lakas.

Ang una ay ang Wings of Griffin. Isa itong pakpak na nagmula sa isang Kakaibang hayop. Ang Griffin. Magkakaroon ng kakayahan sa paglipad ang makakakuha nito.

Pitch Black Shadow. Ang isang ito ay isang uri ng Dark Magic. Nakapaloob ito sa isang bote na kung sino ang iinom ng laman nito ay makukuha ang kakayahan ng armas nito. Kung sino man ang makakakuha nito ay magkakaroon ng kakayahan na maging isang anino.

Painting of a Pleasant morning. Isang uri ng Painting na may kakaibang gamit. Ang kakayahan nito ay hindi pa nalalaman. Ang itsura nito ay hindi rin alam.

Earth, Fire, Water at Wind Orbs. Mga uri ng bato na nagtataglay ng kakaibang lakas. Kung sino man ang maaaring makakuha nito ay magtataglay ng kakayahan sa pagkontrol ng nasabing elemento. Ngunit kailangang kumuha ng Spirit na naaayon sa Orb na makukuha.

At ang huli ay ang King's Throne o kilala bilang Bemeroth. Ang makakakuha nito ay makakatanggap ng pagkabihasa sa lahat ng uri ng armas at sandata na nandito sa mundo. Ito ang nag iisang Mystical Weapon na maaaring maipasa sa iba. Ngunit ang kapalit nito ay ang buhay ng nagpasa nito.

Sa bawat mystical weapon na iyong makukuha, ang kaalaman ng dating gumamit nito ay makukuha ng bagong tagapagmana. Sa tagal ng panahon na nandidito sa ating mundo ang walong sandatang iyon, malamang ay napakarami na ang nakagamit ng mga ito. Kung kaya't alam kong marami kang malalaman kapag nakuha mo iyon.

Ang walong ito ang pinakatatagong armas ng mga Spirit at ibinibigay lamang sa mga karapat dapat na makakuha nito. Kung sakaling hindi ka tanggapin ng Korona, hindi ka karapat dapat na humawak nito. Tanging ang may busolak na puso lang ang may kakayahan humawak sa mga Mystical Weapons na ito.

May mga ibat ibang pangalan ang bawat Mystical Weapon ngunit sa panahon ko ay tanging Bemeroth lang ang aking nakita. Ang iba pa ay nakakalat sa ibat ibang parte ng ating mundo.

Sinasabi na ang walong ito ang gagabay sa mga taong makakakuha nito upang makausap ang Hari ng Spirit World. Kapag pinag sama sama ang walong tao na nakakuha nito, ilalabas nito ang isang lagusan papunta sa Spirit World.

Ang lahat ng mga Mystical Weapons na ito ay may kapangyarihan na hindi nasusukat. Ang buong potensyal ng mga armas na ito ay hindi pa nasasaksihan ng kahit sinong tao.' Mahabang sabi ni Val.

'Ang makakaalam lang nito ay kung sino ang makakakuha nito. Ngunit kailangang pag aralan ng maigi ang mga Weapons na ito dahil kung hindi mo kayang gamitin ito ng buong potensyal, hindi rin lalabas ang totoong kapangyarihan ng Weapon.

Sa lagay ng Bemeroth, malalaman mo kung paano gumamit ng lahat ng uri ng sandata. Ngunit kapag nakuha mo ang Bemeroth, ipapayo ko sayo na isang sandata lang muna ang iyong aralin upang hindi malaman ng lahat na nakuha mo ang Bemeroth.'

'Ibig sabihin po ba nito Val na ipapakuha mo sa akin iyon?' Tanong ko.

'Hindi ko ito ipapakuha sa iyo, dahil ikaw ang gagamit nito. Susubukan mo lamang itong makuha dahil madami na nang nagtangka na kumuha nito at walang nagtagumpay. Kasama na ako doon.'sabi niya.

SpiritsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu