35

4.5K 234 2
                                    

Bumangon na ako sa aking pagkakahiga at naghanda na para sa gagawing paggamot sa pamilya ni Zed.

'Master, tulungan nyo po ako mamaya ah' sabi ko.

'Huwag kang mag alala. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para matulungan ka. Pasasalamat narin ito sa isang lalaki na tumulong sa akin noong nabubuhay pa ako.'

Napangiti ako at tumayo papunta sa tahanan nila Zed.

Nagpasok ko ay nakahanda na ang lahat. Nakaupo na ang mag ama sa lapag na napapagitnaan ng isang mababaw na mesa kung saan nakapatong ang mga gamot na gagamitin.

"Magandang umaga, Kid." Sabi ni Zac. Ngumiti ako sa kanya at napatingin sa kanyang ama.

"Magandang umaga po." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Ngayon ay sisimulan ko na ang paggawa ng gamot para sa inyo." Sabi ko.

Inangat ko ang mga manggas ko mula sa pulso papunta sa aking siko. Naghugas ako ng aking kamay upang maging malilis ito.

Pagkatapos kong maghugas ng kamay, tumungo na ako sa maliit na mesa at Lumuhod. Ang aking mga kamay ay nasa aking hita at pumikit.

'Kailangang maging kalmado ang iyong katawan. Tanggalin ang lahat mga sagabal at mga gumugulon sa iniisipan mo. Gawin mong blangko ang iyong isipan at itoon lang ang isip sa paggawa ng gamot.' Sabi ni master sa akin.

Nasabi sa akin ni master dati na kung sakalung gagawa ng isang gamot para sa isang sakit, kailangang ang buong atensyon ay nasa paggawa nito. Iwaksi ang lahat ng iyong iniisip upang hindi mahaluan ng kahit anong emosyon at bagabag ang gamot. Maaari mo namang magawa ang gamot kahit na mayroon kang iniisip ngunit ang epekto nito ay maaaring mag iba.

Isa na lamang na halimbawa nito ang paggawa ng isang Meridian Nourishment Pill. Kung sakaling ang gumawa ng pill na ito ay may hinanakit o galit sa kanyang isipan habang gumagawa, maaaring mapababa ang epekto nito at sa malubhang pagkakataon, masira ang Cultivation ng isang bearer. Hindi na bago ang ganitong sitwasyon kung kaya't mahirap talagang makapasa sa mga Organisasyon na gumagawa ng mga gamot at pampalakas.

Isa nang halimbawa ang SHO kung saan ako kasapi.

Habang nakapikit ako ay inalis ko ang lahat ng bumabagabag at gumugulo sa aking isipan at sa ilang saglit pa ay ibinuklat ko ang aking mga mata.

Nakit iyon ng mag ama, pati na si Zed.

Halata sa kanilang mga mata ang pagkamangha sa kanipang nakita.

"Bihira lang akong makakita ng isang tao na makamit ang buong porsyento ng Supreme Calmness" sabi ni Zac At halata sa mga mukha nila Zed ang pagsang ayon sa sinami ni Zac.

Ang Supreme Calmness ay isang kilos kung saan ang isang Cultivator ay magkakamit panatag na isip at kilos na naaayon sa kanyang sitwasyon. Ang epekto nito ay lubos na napapakinabangan sa isang sitwasyon habang nakikipaglaban. Ang buong atensyon ng isang taong nakakakamit nito ay nakapako lang sa iisang target ngunit ang presensya ng nasa kanyang paligid ay kanyang nararamdaman. Maski ang pagbagsak ng dahon mula sa isang mayabong na puno hanggang sa pagaspas ng mga pakpak ng isang paro-paro.

Isa sa mga nakatulong sa pagkamit ko ng Supreme Calmness ay ang Bemeroth na aking taglay kasama na rin na turo at gabay ni Master Val.

Dahan dahan kong inangat ang aking kamay at kinuha ang isang piraso ng dahon at nilagay sa malaking almires.

'Ilagay mo ang dahon ng Árbol Sagrado sa almires. Dikdikin ito hanggang lumabas ang katas. Kapag nadikdik na ng maayos, kunin mo ang isang piraso ng White Crimson Shell at dikdikin muli.' Sabi ni master sa akin at ginawa ang kanyang sinasabi.

Magkahalong luntian na rosas ang kulay na kinalabasan ng aking gunawa. Mayroon itong preskong amoy na bumalot sa buong kwarto.

'Ilang saglit pa, ilagay mo na ang laman ng boteng iyan. Ubusin mo ang lahat ng laman niyan atsaka haluin.' Sabi niya.

Nang buksan ko ang bote ay umalingasaw ang matapang na amoy ng gamot. Amoy ito ng binurong buto ng isang uri ng Spirit Beast na binabad sa isang uri ng tubig na si Master ang gumawa.

Ngunit nang ihalo ko ito sa aking dinikdik kanina, ang amoy nito ay unti unting nawala. Nag iba rin ang kulay ng aking ginawa kanina at naging kulay pula ito.

'Haluin mo iyan. Pagkatapos ng limang segundo ay kunin mo ang maliit na kutsilyong iyan at kumuha ka ng isang patak ng dugo ng matandang Levi. Ilagay mo iyan sa maliit na basong iyon at idagdag mo ang ating ginawang gamot.' Sabi ni master at ginawa ko namana iyon.

Nang makakuha na ako ng dugo ng ama ni Zed at idinagdag na ang ginawa naming gamot ni master, ang kulay pulang gamot ay higlang bumula at naging itim.

'Epekto iyan ng pagkansela ng Serpentine Vloodline sa ginawa nating gamot. Ang buto ng Great Ferocious Eagle ang matinding kalaban ng isang Snake type na Spirit. Samahan pa ng pampakalmang epekto ng Àrbol Sagrado na kumakalaban sa matapang na aura ng Serpentine.' Paliwanag ni Master.

'Ang itim na kulay ang nagsasabi na nagsisimula na ang pag epekto ng gamot. Kapag humupa na ang itim na kulay, uusok ang gamot upang tanggalin ang negatibong aura ng Serpentin na magsasabi na maaari na itong gamitin sa paggamot.' Sabi ni Master.

Ginawa ko rin ang prosesong iyon kay Zac. Kumuha ako ng isang oatak ng kanyang dugo at inihalo ito sa aming ginawa ni master.

Ilang saglit pa ay unti unting umusok ang gamot at natanggal ang itim na kulay ng gamot at nagbigay ng makintab na kulay asul.

'Kumuha ka ng isang kutsara at ilagay ito sa isang cauldron. Gawin mo itong isang pill na kailangan nilang inumin. Ang natira ay ilagay nila sa isang malaking balde. Punuin iyon ng tubig na galing sa balon kung saan tayo nanggaling noong nakaraang linggo. Ang tubig doon ay malinis dala ng punong sumipsip non. Kailangan nilang mag Cultivate para lumabas ang kanilang aura kung saan naman papaaok ang gamot sa kanilang katawan.' Sabi ni master at doon na natapos ang kanyang paggabay sa akin. Mayroon pa siyang sinabi sa akin at ikinatuwa ko naman iyon dahil alam kong magandang balita iyon para sa mag ama.

Agad ko namang ginawa ang kanyang sinabi at gumawa na ng isang pill. Nang matapos ako ay sinabi ko na ang iba pang paraan para maalis ang Serpentine Bloodline sa kanilang katawan.

"Sa loob po ng dalawang araw ay babalik ako dito para tignan ang inyong lagay pero alam ko naman po na pagbalik ko dito ay ayos na ang inyong pakiramdam at hindi na kayo matatakot sa inyong bloodline." Sabi ko.

At tumalikod na. "Zed, aalis na muna ako. Bibisitahin ko muna ang SHO dahil hindi pa ako nakakadaan sa kanila. Simula pa kahapon. Baka mayroon nang bagong pill na ipapagawa sila sa akin haha" sabi ko at nyumiti.

"Sige Kid. Maraming salamat ulit. Malaki na ang utang na loob ko sa iyo lalu na ang pamilya ko." Sabi niya na bakas ang ligaya sa kanyang mukha.

Tumalikod na ako at naglakad. Nang buksan ko ang pinto paalis, naalala ko ang sinabi ni master sa akin kung kaya't nilingon ko ang mag-ama. "Pagkatapos pala ng epekto ng gamot, mag Cultivate kayo. Mayroong mangyayari sa inyong Cultivation." Sabi ko sabay ngiti.

Sinabi sa akin ni Master na bukod sa pag alis ng Serpentine, ang buong katawan nila ay maninibago sa sobrang bilis na paraan. Ang serpentine ang isa sa mga dahilan kung kaya't mabagal ang pagku- Cultivate ng pamilya kaysa sa iba. Dahil sa pagbabagong iyon, ang Cultivation kung saan sila ngayon ay tataas para mapunan ang pagbilis ng pagbabago sa kanilang katawan. Mababa na ang pag angat ng limang step sa kung saan sila ngayon.

Alam kong napakalaking dagok sa buhay nila Zed ang ganitong pagsubok. Pero alam kong ang pagsubok na iyon ang magpapalakas na kanilang pamilya.

SpiritsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang