26

4.5K 228 4
                                    

Pagkarating nila sa harapan ng isang malaking pinto, humarap muli si Priest Xiao sa kanila.

"Uulitin kong muli. Maaari kayong pumili ng inyong magiging guro. Pero may mga pagkakataon na ang guro mismo ang pipili kung sino ang gusto niyang maging estudyante. Ayos lang ba sa inyo iyon?" Tanong niya.

Tumango ang lima bilang pagsang ayon. Samantala naman, sa loob ng kwarto kung saan naroroon ang tatlo sa pinakamagagaling na Cultivator sa Central city.

"Sa tingin mo, kamusta ang mga magiging bagong Official Guards ng bayang ito?" Tanong ng isang lalaki na may mahabang buhok. May mahaba rin itong balbas na parehas ay kulay puti na. Mayroon itong nakakatakot na mukha. Nasa 5th True Mortal Realm na ang matanda at mayroong katabi na isang kulay itim na leon.

"Balita ko ay may mga potensyal ang mga batang iyon. Hindi raw tayo magsisisi sabi ni Meng sa akin." Sagot ng isang babaeng Cultivator. Napakabanayad ng kanyang kilos at pananalita na para bang isang Maria. Makinis ang mukha nito at walang bahid ng katandaan.

"Tama ka diyan! Mahal kong Victoria!" Sigaw ng isang isang matandang lalaki at tumakbo papalapit sa pwesto ng magandang babae.

Medyo may kabataan pa ito pero makikita ang kanyang malaking katawan. Kalbo ang isang ito at may malaking kwintas na may malalaking bilog na disenyo.

Bumakat naman ang irita sa mukha ng babae at nang makalapit na sa kanya ang lalaking iyon at akma siyang halikan, binatukan niya ito na nagpabagsak sa lalaki.

"Ah- ARAAAY! Victoria naman eh!" Sigaw ng lalaki sabay angat ng mukhang lumubok sa lapag. Makikita ang mga alikabok at dugong tumutulo sa kanyang ulo. Medyo nawasak din ang lapag na pinagbagsakan ng kanyang ulo.

May awa naman sa mga mata ng matandang lalaki nang makita niya ang lagay nito. Napailing nalang ito at ipinikit ang mga mata.

"Hay..." hinga ng malalim ng matandang lalaki. "Hindi ka talaga titigil sa panunuyo diyan kay Victoria, Ramon ah." Sabi ng matanda.

"Wag ka ngang makialam dito! Itong tandang Roma na ito!" Sabi ni Ramon sa matanda at tinignan muli ang magandang si Victoria at nagsalita. "Oh, mahal kong Victoria!" Sigaw niya.

Hindi siya pinansin ni Victoria at naglakad papunta sa isang upuan na may malambot na unan.

Silang tatlo ay mga guro sa ng mga Official Guards sa Central City. Matataas na ang kanilang mga Cultivation kumpara sa natirang dalawa.

Si Victoria na isang 3rd True Mortal Realm ay guro na bihasa sa paggamit ng mga pana. Isa siya sa pinakamagagaling sa buong Gaia pagdating sa pamamana.

Ang sunod ay si Ramon na isang 3rd True Mortal Realm din. Mas bihasa siya sa paggamit ng mga espada at kilala ito bilang 'babaero' sa buong Lugar. Bukod sa nakakatakot na tindig nito, nakakatakot din ang kanyang taglay na lakas.

Ang pinakamatanda sa lahat ay si Romano o mas kilala bilang Tandang Roma. Isa siya sa mga magigiting at malalakas na Cultivator na nakipaglaban sa mga Goblin noong panahon ng pananakop nila dito. Sinasabi nila ang totoo nitong lakas ay hindi niya ipinakapakita. At kung sakaling ipakita man niya sa iyo, tiyak ay iyon na ang huling araw mo sa mundo.

Ilang sandali pa at maririnig ang pagbukas ng malaking pinto na ikinatingin ng tatlong guro na nasa loob ng kwarto.

"Nandito na sila." Sabi ni Priest Xiao. Nang sabihin ito ni Priest Xiao, agad na nag ayos ang tatlo at tumayo sa iisang helera.

Humarap si Priest Xiao sa lima at nagsalita. "Ito na ang tamang pagkakataon para kami ay pumili mula sa inyo ng magiging estudyante namin." Aniya. "Maaari nyo nang ilabas ang inyong mga Fate Beast at itabi sa inyong mga harapan." Aniya at naglakad papunta sa pwesto ng tatlo.

SpiritsWhere stories live. Discover now