36

4.1K 250 16
                                    

Sa bilis ng pangyayari ay hindi makapag handa para umiwas si Kid sa nagbabagang bato na bumabagsak papalapit sa kanyang kinatatayuan.

Mabuti na lamang at biglang lumabas si Sky mula sa space ring ni Kid at agad nitong hinila ang binata.

Kumpara sa mga nakalipas na linggo, napapansin na mas malaki na ang pangangatawan ni Sky. Sinlaki na ito ng isang leon kung kaya't hindi katakatakang kaya na niyang hilain si Kid palayo.

Nung makalayo sila kid sa pwesto na iyon ay agad siyang humarap kay Sky at nagpasalamat.

"Maraming salamat sa pagligtas sa akin, Sky" aniya sa alaga. Ngumiti naman si Sky sa kanya nang biglang mayroon na naman mga tipak ng bato na bumabagsak papunta sa lugar kung saan sila naroroon.

Agad na sumakay si Kid sa likod ni Sky at kumaripas sila ng takbo. Naririnig ang mga sigaw at daing na mga tao dahil sa pangyayari.

May mga spirit bearer na rin nagsipag kilos upang protektahan ang kanilang lugar. Agad silang nag morph sa kanilang mga spirit beasts.

Habang patuloy na nangyayari ang mga ito, hindi maiwasan a kid na maisip kung ano ang nangyayari.

"Ano bang nangyayari sa lugar na ito! parang kanina lamang ay tahimik at payapa?" Sabi niya sa sarili.

Habang tumatakbo sila palayo ay nasalubong nila si Priest Meng the kasalukuyan na rin tumatakbo patungo sa kaguluhan. Agad na huminto si Sky at agad na mahaba at tumakbo si Kid papunta sa pwesto ni Priest Meng.

"Priest Meng! ano po ang mangyayari?" Agad na tanong ni kid sa matanda.

"Mahirap ipaliwanag kid pero ang alam ko nagsimula ng kumilos ang mga goblin laban sa atin." Aniya.

Naguguluhan man si kid ay nagtanong muli ito.

"Teka, lumusob na ang mga goblin papunta sa lugar na ito?" Aniya. Sa tanong niyang ito, simpleng tango na lamang ang kanyang natanggap mula sa Priest.

Agad na pumasok sa isipan ni Kid ang baryo kung saan siya ang unang nanggaling. Ang baryo nila Emy. Ito ang pinaka malapit na lugar mula sa lupain ng mga Goblins. Hindi man sigurado sakit sa kalagayan ngayon alam muna bago pa rin ang pangangamba nito sa kaligtasan ng mga taong naging malapit sa kanya doon.

Nagsalita muli si Priest Meng na kumuha ng atensyon ni Kid.

"Kailangan ko ang iyong kakayahan, Kid. Tulungan mo ako protektahan ang Central City mula sa mga Goblin. Kailangan nating pumunta sa harapan ng Central City dahilan nagmumula ang mga pag atake." Aniya sa binata.

Kahit hindi paalis sa isipan ni Kid ang kalagayan nila Emy tumango siya sa Priest. Sabay silang tumakbo papunta sa malaking gate ng Central City.

Bigla naman lumabas si Master Val sa singsing ni Kid at kinausap si Priest Meng.

"Ngayon lang ba biglaang umatake ang mga Goblin o kanina pa?" Tanong niya.

"Sa aking pagkakaalala, biglaan lang ang mga pangyayari. Bigla nalang may mga pagsabog na nangyari at hindi lang isa kundi napakaraming lumilipad na mga nagbabagang mga bato ang tumagos sa barrier na ginawa namin." Aniya.

"Ibig sabihin nakapaghanda ang mga Goblin sa kanilang pag atake." Sabi ni Kid sa dalawa.

"Tama ka riyan. Pero imposible iyong mangyari." Sabi naman ni Priest Meng. Nagkaka ang dalawa sa sinabi ni Priest Meng.

"Sa aking pagkakaalala, ang mga biglaang pag atake o ang paggawa ng mga plano ay tanging ang mga tao lang ang marunong gumawa. Ang pag atake ng mga Goblin ay walang sinusunod na plano dahil malayo pa lamang ay mararamdaman mo na ang pagyanig ng lupa at maririnig mo ang malalakas nilang sigaw."ina pahinto siya ng sandali habang iniisip ang mga pangyayari ngayon.

SpiritsWhere stories live. Discover now