41

3.8K 270 67
                                    

Sa Martial Hall, kung saan nanggaling naroroon ang anim na High Priest, mayroong isang liwanag na lumitaw sa loob nito.

Ilang sandali pa at limupad ito papunta sa digmaan nagaganap. Ilang sandali pa, lumabas narin ang anim na High Priest.

"Hindi ko akalaing magagawa talaga niya."

"Maski ako! Sa edad kong ito, ngayon lang ako nakakita ng batang kayang makapagmaster ng isang napakahirap na Martial Art Skill."

"Oo. Tama ka diyan. Paniguradong matatapos na ang digmaang ito dahil sa batang iyon."

"Paniguradong hindi masasayang ang iyong sakripisyo, Priest Meng."

"Alam ko iyon. Ang Cultivation ko ay hindi mahalaga. Ang mas importante ngayon ay ang kaligtasan ng buong bayan."sagot ni Priest Meng.
  
  
Nang matapos ni Kid ang Skill, nangailangan siya ng maraming essence para mapunan ang kanyang mabilis na pag angat ng kanyang Cultivation. Dahil doon, gumawa sila Priest Meng at ang ibang High Priest ng isang ritwal kung saan maaaring makakiha doon si Kid ng Essence na kanyang kailangan.

Ngunit hindi nila inaasahan ang nangyari. Kailangan ni Kid ng dobleng bilang ng Spirit Essence para matapos ang kanyang Skill. Dahil ito sa itinuro sa kanya ni Master Val na isang Skill na dinodoble ang kailangang Essence para makapag Breakthrough.

Dahil doon, nataranta ang mga High Priest. Ngunit hindi si Priest Meng.

Naghanda na siya sa mga maaaring pwedeng masamang mangyari kung kaya't agad niyang inilabas ang kanyang mismong essence sa kanyang katawan at ibinigay kay Kid.

"Meng! Anong ginagawa mo!?" Sigaw ni Priest Xiao.

Hindi nagsalita si Priest Meng pero alam ni Tandang Roma ang balak gawin ng Priest. "Ibibigay niya ang kanyang mismong Cultivation sa bata." Aniya.
  
  
Dahil doon, naubos ang Cultivation ni Priest Meng dahil ibinigay niya ito kay Kid. Ngayon ay wala na siyang natitirang Essence sa kanyang katawan dahilan para mabilis na magbago ang kanyang pangangatawan.

Mas kulubot ang kanyang mga balat kumpara sa nakaraan. Mas mukha siyang matanda dahil wala na siyang Essence at pati Cultivation.

"Hindi natin inaasahan na mangangailangan ng ganong kadaming Essence ang batan iyan. Pero handa kang ibigay ang lahat sa kanya, Meng." Sabi no Priest Xiao.

"Oo. Haha! Malaki ang tiwala ko sa batang iyan." Aniya bilang sagot.

Mabilis na nakarating si Kid sa pinangyayarihan ng digmaan. Nakuha agad ni Kid ang atensyon ng lahat ng Spirit Bearer dahil nakaramdam sila ng mainit na awra na papunta sa kanilang pwesto.

Napatigil ang lahat sa paglalaban at nakatuon lang ang pwesto kay Kid. Agad na binuhat ni Kid si Shin Feng at mabilis na nawala sa harapan ng Goblin King. Bigla nalang siyang lumitaw sa loob ng lupain ng tao at doon, dahan dahang inilapag si Shin Feng sa lupa.

"Magpahinga ka muna. Alam kong napagod kayo sa pakikipaglaban." Aniya sabay balik sa mismong labanan.

Nakita niya ang dalawang binata na nakahandusay sa lupa malapit sa pwesto ng Goblin King.

"Teka, sila Zed ba iyon?! Mabuti at ligtas sila." Aniya sa sarili at binitbit rin ang dalawa at inilagay sa ligtas na lugar.

Ilang sandali pa at makikita na si Kid ay ankatayo sa harapan ng Goblin King.

Unti unting nawawala ang liwanag na bumabalot sa kanyang katawan ngunit makikita na mayroon siyang puting awra na mala usok na lumalabas sa kanyang katawan.

SpiritsWhere stories live. Discover now