28

4.4K 239 21
                                    

Kinabukasan, makikita ang katawan ng isang binata na nakatayo sa harapan ng Mission Hall. Habang parami ng parami ang tao na pumupunta sa loob ng Mission Hall, hindi parin makita ni Kid ang katawan ng kanyang guro na si Aban.

Lumipas ang ilang oras at nandodoon parin si Kid sa harapan ng Mission Hall nang mapagdesisyunan niyang puntahan na ang bahay ng guro.

Naikwento kasi ni Yuro ang tungkol sa ugaling ganito ni Aban.

Makakalimutin at tamad.

Malamang sa malamang ay nakalimutan nitong mayroon siyang bagong estudyante na naghihintay sa kanya sa harapan ng Mission Hall ng halos dalawang oras na.

Habang naglalakad si Kid patungo sa bahay ng guro, nakarinig siya ng isang lalaki na tumatawag ng kanyang pangalan.

"Kid!"

Hinanap ni Kid kung saan nanggagaling ang boses na iyon at nalaman niyang nanggagaling ito sa isang lalaki na walang iba kundi si Glen.

Simula nang tulungan siya ni Kid patungkol sa paggawa ng mga Pills, ubti unting sumisigla ang kanyang tindahan at may mangilan ngilan na ngang nagiging kanyang suki.

"Oh! Glen, kamusta?"

"Ayos lang naman. Ikaw ba?"

"Ayos lang rin. Saan ka nga pala pupunta?" Tanong ni Kid sa lalaki.

"Pupunta ako sa bilihan ng mga sangkap para sa paggawa ng mga pill. Nakaisip nanaman kasi ako ng bagong uri ng pill. Balak kong gawin para itinda ko sa aking tindahan." Aniya.

"Ah. Ganoon ba, osya, maiwan na kita. May pupuntahan lang ako." Sabi ni Kid at nagpaalam na sa kaibigan.

"Teka Kid!" Pagtawag ni Glen. Naglabas ni Glen ng isang kahon. Laman nito ang may sampung purasong Body Nurturing Pill para sa kanya. "Bibigay ko sana iyan sayo kahapon pa pero hindi kita naabutan sa Beast Hall. Mabuti nalang at nakita kita dito." Aniya.

Nagpasalamat naman ni Kid tungkol dito. Kahit na wala nang gaanong epekto ang Nurturing Pill sa kanya, bigay parin ito ni Glen kung kaya't tinanggap niya ito.

Biglang nakaisip nanaman si Kid ng isang ideya.

"Teka pala Glen," aniya at inilabas ang isang papel mula sa kanyang kwintas. Isa itong resipe ng isang uri ng Pill.

"Glen, subukan mong gawin ang isang iyan. Kapag nakagawa ka na ng limang piraso, bibilhin ko iyon sayo. Ayos lang ba?" Tanong ni Kid.

Tinanggap ni Glen ang papel at binuksan ito para malaman ang mga nakasulat dito. Nanlaki ang mga mata ni Glen ng makita ang mga nakasulat doon.

Isa iyong recipe ng isang Pill. Ang Bone Chilling Pill. Nakasulat doon ang mga kailangang sangkap para magawa ang pill na iyon.

"T-teka, ngayon lang ako nakabasa ng ganitong pill. Para saan ito Kid?" Manghang tanong ni Glen.

Sa tagal kasi ng panahon, mahirap nang makagawa at maka- imbento ng isang uri ng pill. Sa dami ng mga pill na lumalabas sa merkado, mababa na talaga ang porsyento na makagawa at makapag imbento ng sariling pill.

Kailangan mo ng matinding kaalaman at mabusising pag aaral patungkol sa pill making at sa mga sangkap na iyong gagamitin. Dahil dito, halos lahat ng mga bagong gawa na pill ay nagaganap lamang sa Pill Hall ng Central City at ang mga nakaka imbento nito ay ang mga Master Pill Makers ng lungsod.

Malaki ang makukuhang pera kapag ibinenta mo ang iyong recipe sa Pill Hall lalu na kapag ang sentro ng pill na ito ay para sa mga Cultivators dahil karamihan ng mga bumibili ng Pills ay mga Cultivators. Maliit lamang ang porsyento ng mga taong bumibili ng Pills para sa kanilang sakit at kalusugan.

SpiritsWhere stories live. Discover now