36

4.4K 249 4
                                    

Maglalakad ako pabalik sa SHO nang makasalubong ko si Scarlet. Nakasakay siya sa isang kabayo na sa tingin ko ay papunta sa lupain ng Levi.

"Kid!"

"Uy Scarlet. Kamusta ka?" Sabi ko.

"Ayos lang naman. Mabuti at nasalubong kita. Mamayang hapon na ang dating ng aking ama. Pinapatawag ang laht ng nakilahok sa paglalakbay sa Havanna para mabigyan parangal ng hari. Inaasahan kong makakapunta ka ha!" Sabi niya.

"Oo makakapunta ako. Dadaanan ko lang muna ang SHO bago ako pupunta doon." Sabi ko naman sa kanya.

"Sige ayos iyan. Papunta ako ngayon sa Levi para sabihan ang mga nakasama sa paglalakbay para makarating mamaya." Sabi niya at nagpaalam na sa akin.

Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa SHO. Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng mga tingin ng kasapi ng organisasyong iyon. Naalala ko, hindi pala ako nakasuot ng uniporme kaya siguro sila nakatingin sa akin.

"Paumanhin po. Babalik nalang ako mamaya." Sabi ko sa kanila at tumalikod. Mahaba pa sana ang lalakbayin ko dahil ang aking mga gamit ay nasa bahay nila Zed. Maglalakad na sana ako pabalik nang may tumawag sa akin.

"Kid! Haha! Mabuti at nakabalik ka na?" Sabi ni Master Lao na namumuno sa SHO.

Halata sa mga mukha ng karamihan sa SHO ang pagtataka dahil ang isa sa mga taongkilala nilang pinanganak na masusungit ay lumapit sa akin at tinatapik ako sa aking likuran.

"Ayos lang naman po ang paglalakbay Master Lao. Ano na pong balita sa Spirit Booster Pill?" Sabi ko.

"Ayun. Mula nang ipakita mo ang proseso ng paggawa sa amin, isa- isang ginamit ng mga Pill Makers ang mga materyales ang proseso ng iyong paggawa. At dahil doon, sa nakaraang dalawang linggo, kumita ang SHO ng mahigit kumulang labing pitong milyon sa Spirit Booster palang iyon." Sabi niya.
"Mas bumami ang bulili ng pill nang magkaroon ng paglalakbay na isinagawa noong nakaraang linggo kaya naman malaki ang kinita natin. At dahil iyon sa iyo." Dagdag pa niya.

Nagulat ang mga kasapi ng SHO sa kanilang narinig. Kahit na mahihina ang pag uusap nilang lahat ay kaya po parin silang marinig.

"Ha? Sa kanya nanggaling ang mahiwagang pill na iyon?"

"Napakabata pa niya pero ganoon na siya katalino? Isa siyang henyo!"

"Kaya pala ganoon nalang ang paglapit ni Master sa kanya."

Napangiti nalang ako sa mga sinasabi nila. Humarap muli ako kay master Lao at kinausap.

"Master Lao, ang hatian po natin ha, huwag po ninyong kakalimutan." Sabi ko at sabay ngumiti.

"Huwag kang mag alala, nakahanda na ang parte mo sa kita ng pill na nagawa mo." Sabi niya at niyaya niya ako papunta sa kanyang opisina.

Pagpasok namin sa kanyang opisina ay sumalubong sa akin ang amoy ng iba't ibang pill na nakapaligid at nakakalat sa kanyang opisina. Ang iba ay nasa garapon, nasa bote at ang iba ay nakalapag lang kung saan saan.

Mayroong malaking lamesa sa harapan at sa taas ng lamesa ay mayroong mga librong nagpatong patong. Pero ang mas nakakuha ng pansin sa akin ang kulay pulang panyo na mayroong isang singsing na nakapatong sa taas. Mayroon din itong kasamang isang skrol na sa tingin ko ay isang uri ng teknik na pwedeng gamitin sa pakikipaglaban.

"Umupo ka, Kid." Sabi niya at umupo naman ako sa iaang upuan katabi ng mesa niya.

"Ang singsing na ito ay isang Space Ring. Mayroon itong kakayahan na magtago ng pisikal na bagay sa loob ng singsing. Mayroong itong 5 cubic meter na espasyo para paglagyan ng mga gamit. Nasa 13.6 na milyon ang nandyan saloobng singsing na iyan. Walang labis, walang kulang. At bilang pasasalamat ng SHO, binibigyan ka namin ng isang combat technique na galing sa Combat Guild. Isa iyang teknik na sa tingin namin ay makakatulong sa pagdependsa sa sarili mo. Kasama na rin ang singsing na iyan. Sa iyo na rin iyan." Aniya.

Lubos naman akong natuwa sa sinabi niya. Kahit papaano ay hindi ko na kailangang umasa sa iba para madipensahan ko ang sarili ko. Hindi na rin ako masyadong aasa sa Bemeroth kung sakali.

"Maraming salamat po Master Lao. Bilang pasasamalat po, ibabawas ko na ang anim na daang libo sa aking singsing at ibibigay ko sa SHO." Sabi ko.

"Naku Kid, huwag na. Malaking pera na ang natanggap ng SHO sa pills na ginawa mo. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakahawak ng tatlong milyon dahil lang sa pagbebenta ng pills dala.na siguro ng mga kakompitensya natin." Sabi niya.

Napaisip ako, dahil nga siguro sa kompitensya kung kaya medyo naging matumal ang bentahan ng pills ng SHO. Kung kaya't nakaisip na kami ni Master Val ng isang solusyon para diyan. Ang gumawa ng panibagong pill. Mas maganda at epektibong pill na sa tingin namin ay tatangkilikin ng buong lupain.

"Master Lao, alam ko po ang hirap ng kompitensya sa buong bayan, nakaiaip na po akp ng bagong pill na sa tingin ko ay makakatulong sa atin." Sabi ko at iniabot sa kanya ang isang pirasong papel mula sa aking bulsa. Nakasulat doon ang isang uri ng pill.

"T-te-teka, totoo ba ito?" Tanong niya.

"Opo. Kung kaya't pumunta na tayo sa pagawaan ng pills para maituro ko na sa iba kung papaano iyon gawin." Sabi ko at naglakad na papunta doon.

Nang makarating kami doon at kinuha ni Master Lao ang buong atensyon ng grupo upang humarap sila sa posisyon namin.

"Ngayong araw, isang malaking prebelehiyo ang makabalik ang isa sa pinakamagaling na Spirit Healer sa henerasyong ito. Pinakikilala ko sa inyo, si Kid. Ang gumawa ng Spirit Booster Pill kung saan wala itong masamang epekto sa katawan. Ngayon ay tuturuan niya tayo kung paano gumawa ng panibagong pill." Sabi niya at humarap sa akin. Tumgano naman ako bilang sagot.

"Magandang umaga mga kasama, tuturuan ko kayo kung paano gumawa ng lill na tinatawag na Enhancing Pill. Ang pill na ito ay tutulong sa mga Spirit Bearer na makalakas ang Spirit na taglay nila ng doble. Isa itong common potion na ibinebenta sa ibang bayan pero panandalian lang ang epekto at mayroong malaking kapalit kapag natapos na ang itinakdang epekto nito. Ang kaibahan ng pill na gagawin natin sa potion na ibinebenta sa ibang bayan, ang pill na ito ay permanenteng dinodoble ang lakas ng Spirit nang hindi sinasakripisyo ang bearer nito." Mahabang sabi ko na nagpasabong ng mga bulungan nila.

"Alam kong ngayon lang kayo nakarinig ng ganitong uri ng pill kung kaya't ganito ang reaksyon ninyo. Pero hueag kayong mag alala, matapos kong ituro sa inyo, alam kong magiging masaya kayo sa mangyayari dahil maski kayo ay makakagawa ng ganitong pill." Sabi ko.

Pumalakpak ng dalawang beses so Master Lao at sumigaw, "Simulan na natin"

At sinimulan ko na ang paggawa. Huminga ako ng malalim at ipinasok ang sarili ko sa Supreme Calmness.

"Aaaahh. Nakakamangha"

"Maganda ang kontrol niya sa Supreme Calmness."

"Hindi lang maganda, perpekto!"

"Tignan ninyo, ang pill, mabubuo na!" Sabi nung isa.

Nabalot ng tuwa ang SHO  sa pagtuturo ko sa kanila ilangsaklit pa ay sila naman ang gumawa ng Enhancing Pill.

At ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kay master Lao upang pumunta na sa bayan para sa pagsalubong sa hari.

SpiritsWhere stories live. Discover now