22

4.6K 242 13
                                    

Ilang araw ang nakalipas ay nagsimula nang magcultivate si Kid para makalagpas sa kanyang bottleneck. Napagdesisyunan niyang sa loob nalang siya ng singsing magcultivate para habang nagc- cultivate ay nagagabayan siya ni Master Val sa kanyang ginagawa.

Nakapwesto na si kid at kalmado na ang isipan. Nagsimula na siyang magcultivate. Inilabas niya ang mga natitirang mga Body Nurturing Pill at ginamit ito sa kanyang Cultivation.

Habang pumapasok ang pill sa loob ng kanyang katawan, nagsimula na si Kid na magpalabas ng kanyang awra. Unti unti ring nakita at nasaksihan ni Kid ang kanyang Cultivation Galaxy at makikita ang anim na makakali at maliliwanag na bituin na nakapaligid sa mala- ipo ipong mga bituin.

Ilang sandali pa at nakarating na ang pill sa loob ng kanyang tiyan kung saan nagsimula na itong kumalat sa kanyang katawan. Nagliwanag ang kanyang Cultivation Galaxy at nararamdaman ni Kid ang pag init ng kanyang katawan.

Nararamdaman ni Kid na unti unting pumapasok sa kanyang mga ugat ang benipisto ng Pill at sa kabilang banda, pumapasok rin ang Essence sa kanyang paligid papunta sa kanyang balat.

Ito ang dahilan kung bakit kumikinis at lumiliwanag ang katawan ni Kid at ng ibang mga nagc- cultivate sa loob ng Painting. Dahil ito sa Essence na inilalabas ng lugar na ito.

Ilang sandali pa ay nakita na ni Kid ang isang munting bituin na unti unting lumiliwanag. Ngunit nagpapatay- sindi ito kung kaya't kumuha pa si Kid ng isa pang Pill at ginamit ito.

Makaraan ng ilang minuto ay ganoon parin ang sitwasyon ni Kid. Halos limang pill na ang nagagamit niya ngunit wala paring pagbabago sa kanyang Cultivation Galaxy.

Ilang sandali pa ay nakaramdam si Kid ng mainit na liquido na dumaloy sa kanyang ilong. Nagsisimula nang maglaban ang katawan ni Kid at ang kanyang Cultivation.

*Urrrgh!

Biglang kumabog ang dibdib ni Kid sa kangyari. Kapag nagpatuloy ang hindi pagtanggap ng kanyang katawan sa Cultivation niya, maaaring may masamang dulot ito sa kanya. Sa kabilang banda, kapag hindi tinaggap ng Cultivation ang kanyang katawan, maaaring masira ang kanyang Cultivation at manatili habambuhay sa 6th Mortal Realm.

Dahil doon, agad na humingi si Kid ng tulong kay Master Val. Itinapat ni Maater Val ang kanyang dalawang daliri sa noo ni Kid at nagsimula itong maglabas ng Awra niya.

Biglang may pagsabog na naganap sa Cultivation ni Kid. Naglabas ito ng kakaibang pagsabog mula sa gitna ng Galaxy papunta sa mga maliliwanag na bituin.

Inilagay ni Master Val ang kanyang Awra sa katawan ni Kid dahilan para magbago ang Awra niya. Unti unting naramdaman ni Kid ang paggaan ng kanyang katawan at ng kanyang Awra. Magaan ngunit malakas.

Ilang sandali pa ay kuminang na ang isang bituin. Tanda na nakaalis na si Kid sa 6th Mortal Realm at nakaabot na siya sa 7th Mortal Realm. Isa itong malaking balita kapag nalaman ito ni Priest Meng.

"Master! 7th Mortal Realm na ako!" Sigaw niya. Hindi napigilan ni Kid ang mapatalon sa tuwa dahil sa kanyang nakamit.

"Ha! Kung hindi sa akin, lumpo ka na ngayon!" Sigaw ni Master Val sa binata ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Salamat po Master Val sa inyong tulong at gabay!" Sigaw niya at nagbigay galang sa kanyang Master. Makikita ang tuwang nararanasan ni Kid. Masaya siya dahil nakaabot na siya sa 7th Mortal Realm.

"Osya, magsimula na kayong magsanay ni Sky para palakasin ang inyong mga katawan." Sabi ni Master Val.

"Pero paano po?"

"Simple lang." Sabi ni Master Val at tinupi ang mahaba niyang manggas at nakapwesto sa pag atake. "Ako ang kakalabanin ninyo." Sabi niya.

"P-po?!" Gulat na sigaw ni Kid. Hindi maipinta ang gulat sa narinig.

SpiritsWhere stories live. Discover now