29

4.3K 232 10
                                    

Dahan-dahan akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Nakakapagtaka dahil ang kweba kung saan ako ay hindi ko pa nakita. Nakita kong papalapit sa akin si Zed. Hindi ko mawari ang ekspresyon niya sa kanyang mukha.

"Kid! Mabuti at ayos ka." Sabi niya.

"Oo ayos lang naman ako. Teka, alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?"

"Nasa bangin parin tayo."

Napakunot ang aking noo sa sinabi niya. Kung nasa bangin kami, bakit may kweba dito? Teka, natabunan na ba kami ng mga bato?!

"natabunan na ba tayo ng lupa!?"

"ay, hindi! Haha. May tumulong sa atin." Sabi niya.

Napaisip ako kung sino ang tumulong sa amin. Siguro ay napansin ni Zed ang itsura ko kaya nagsalita na siya.

"Ang Centaur ang tumulong sa atin." Sabi niya na ipinagtaka ko. " nagwala ang dragon kanina. Muntikang magyanig ang buong bangin sa ginawa niya. Nang nagkagulo na ang lahat, sinugod ng mga Bloodfist ang dragon. Dahil sa nangyari ay naglabas ang dragon ng kanyang pinapkamalakas na atake. Mabuti nalang ay biglang sinalag ito ng Centaur at ipinasok tayo sa kanyang kwebang ginawa." Mahaba niyang paliwanag.

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Ang mga Bloodfist, nasa-"

"Naiwan sila sa labas. Tayo lang ang nandito." Sabi niya. "Mga dalawang oras na ang nakalipas nang mangyari iyon at ngayon lang tumigil ang Dragon. Hindi namin alam kung magandang senyales ba iyon o hindi."

Kinabahan ako sa sinabi niya. Malaki na ang posibilidad na wala na ang dragon at nakuha na ng mga Bloodfist ang Spirit Stone nito.

Magtatanong sana ako kay Zed nang bigla kaming tinawag ng isa naming kasama.

"Kid! Zed! Pinapatawag kayo ni Scarlet. May pag uusapan daw kayo kasama ang Centaur." Sabi niya.

Tinignan ko si Zed sa sinabi ng lalaki. Kasama ang Centaur? Kailan pa naging kasama namin ang Centaur? Siguro ay dahil sa mga Bloodfist. Humarap si Zed sa akin at tumango, nagpapahiwatig na pumunta na kami doon.

Naglakad pami papunta sa pwesto nila Scarlet. Habang naglalakad ay nakikita ko ang mga kasamahan naming sugatan. Gusto ko sanang gamitin ang mga potion ko pero nahalata ito ni Zed at pinigilan ako.

"Huwag mong gamitin ang mga potions mo. Kaya na nilang gamutin ang kanilang sarili." Sabi niya. Labag man sa aking loob ay ibinalik ko ang mga potions na hawak ko sa aking lalagyan.

"Huwag mo munang gamitin ang gma potions mo. Kung nasa alanganin na talaga tayo saka mo lang iyang gamitin." Sabi pa niya.

Napaisip ako sa sinabi ni Zed. Totoo naman ang sinabi niya. Hindi ko kailangang ubusin ang mga potions ko sa mga maliliit nilang sugat.

Inilibot ko ang aking ulo at nakita ko ang mga kasamahan naming mayroong water type Spirit Bearers na pinapagaling ang mga kasamahan naming sugatan.

Doon ko lang ulit naalala ang itinuro sa akin ni Master. May ibat ibang type ang mga Spirits. At sa bawat type na ito, may tatlong aspeto itong kasama. Attack, Defense at Magic.

Sa Fire type Spirits, mataas ang Attack nila, katamtaman ang magic ngunit mababa ang Defense. Earth naman ay mataas ang Defense, katamtaman ang Magic pero mababa ang Attack. Water, mataas ang Magic mababa ang Attack at katamtaman ang Defense. Sa Light at Dark type, dahil sa bihirang makakuha at makahanap ng mga ganitong spirit, hindi nakakapagtaka na ang Attack at Magic nito ay Mataas at katamtaman ang Defense.

Madami pang mga aspeto ang nakakaapekto sa bawat Spirit Bearer. Mas mataas ang Rarity ng Spirit, mas malakas.

Pero paminsan ay hindi nababase sa type ng spirit o sa rarity nito ang lakas ng isang Spirit Bearer. Kailangan ding magkaroon ng magandang kakayahan at may maayos na pundasyon ang isang Spirit Bearer patungkol sa kung paano tamang gamitin ang isang Spirit.

Nakita na namin sila Scarlet na nakapalibot sa harapan ng Centaur. Ngayon ko lang totoong napagtanto na sobrang laki pala talaga ng Centaur na ito.

"Kid, Zed lumapit na kayo dito at simulan na natin ang ating plano." Sabi ni Scarlet.

Tumango ako at saka umupo sa lapag.

"Sa ikakaalam ng lahat, tinulungan tayo ng Spirit God na ito para makaligtas sa mga Bloodfist pero sa kasamaang palad, nakuha na ang bloodfist ang Dragon. Hindi natin alam kung sino ang gagamin non o kanino nila ibibigay." Sabi ni Scarlet. "Ngayon, kailangan nating makaisip ng plano para makaalis sa bangin na ito at matalo ang mga Bloodfist."

Nagtitinginan kaming lahat at naghihintay ng kung sino ang unang magsasalita. Matagal na nabalot kami ng katahimikan hanggang sa may nagsalita na sa amin. Si Zed.

"Kung kaya humingi tayo ng tulong sa mga kasama nating natira sa labas ng bangin?" Aniya.

"Hindi. Masyadong delikado. Ataka hindi na natin sila kaya. Nasaaakanila na ang Dragon. Mas malakas na ang pwersa nila." Sagot ni Scarlet.

Nang nabalot muli kami ng katahimikan ay bigla akong may naalala.

"May plano akong naisip." Sabi ko.

Sabay sabay silang tumingin sa akin. Bigla akong nailang sa mga tingin nila lalu na kay Scarlet.

"Kailangan natin silang gulatin gamit ang isang malaking pasabog." Sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ni Zed.

"Kailangan natin silang gulatin. Kailangan hindi nila alam na aatake tayo at magugulat sila dahil manggagaling tayo sa buong paligid." Sabi ko.

Nagtataka sila sa aking sinasabi.

Bigla ko kasing naalala ang potion na ibinigay ko kay Wency. Isang Booster na kayang ilabas ang buong potensyal ng isang Water type spirit. Mayroon pa akong 3 bote ng water booster kaya magandang gamitin ito sa oras na ito.

"Kailangan ko lang ng tatlong water type spirit bearer na may mataas na rarity. Kailangan ko rin ng limang earth type spirit bearer." Sabi ko.

"Ano ba ang naisip mo?"

"Gagawa tayo ng malaking tunnel. Ang 5 earth spirit bearer ay gagawa ng mga butas sa buong bangin na ito na nakakonekta dito sa loob ng maliit na kwebang ito. Pagkatapos ay gagamitin ng tatlong water spirit bearer ang potion na ibibigay ko sa kanila at  Pupunuin ang maliit na kwebang ito ng tubig. At dahil sa pressure, lalabas ang lubig sa mga butas na gagawin ng mga earth spirit bearer at--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang ipagpatuloy ito ni Scarlet.

"Saaabog ang buong bangin. Mapupuno ng tubig." Sabi niya na ikinalaki ng mga mata nila.

"Hindi ba delikado ang naisip mo? Baka matabunan tayo ng lupa kapag ginawa natin iyan!" Sabi ng kasama namin.

"Oonga. Hindi natin kailangang itaya ang sarili natin para diyan."

"Paano kapag natabunan tayo ng lupa? Paano kapag nalunod tayo sa gagawin natin?" Sabi pa ng isa.

Madami silang mga opinyon pero nakangiti lang ako.

"Isa lang ang makakapagsagot sa mga tanong ninyo. Isa lang ang makakapagligtas sa akin." Sabi ko.

Tumignin ulit sila sa akin. Nag iisip kung sino ang tinutukoy ko. Inangat ako ang akong kamay at sabay turo.

"Siya ang magliligtas sa akin. Siya ang magiging shield natin sa pag apaw ng tubig." Sabay turo sa pwesto ng Centaur.

Nanlaki ang kanilang mga mata sabay tingin sa pwesto ng Centaur.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon