42

3.9K 271 37
                                    

Agad na napatakbo si Stragori sa gulat at takot kay Kid. Pero hindi niya inaasahan ang bilis ni Kid at nasa harapan na niya ito sa isang iglap. Sa gulat ay napaupo si Stragori sa lupa.

"Huwag mo akong sasaktan!" Sigaw niya.

"Huwag kang mag alala. Hindi kita sasaktan. Pero mananagot ka sa mga High Priest." Sabi ni Kid sabay bitbit kay Stragori at lumipad papunta sa harapan ng anim na High Priest.

"Mabuti at nahuli mo siya, Kid" sabi ni Priest Xiao.

"Iwan mo na siya dito. Nararamdaman kong lumalakas ang Awra ng Goblin King. Mukhang lalong maging delikado ang lupain." Sabi ni Tandang Roma kay Kid kung kaya't agad na kumilos si Kid at pumunta sa pinangyayarihan ng digmaan.

Paglapag ni Kid sa harapan ng Goblin King, lumubod ang kanyang tinatapakan at lumipad ang mga bato sa kanyang paligid.

"Waaaahh!" Sigaw ng Goblin King sabay bigay ng isang malakas na suntok.

Agad naman itong pinigilan ni Kid gamit ang kanyang kanang kamay.

*Bluuggsshh!

Nagdulot ito ng malakas na Shock wave sa paligid para magliparan ang mga goblin na nakapaligid sa kanila.

"Ano ba ang gusto mong makuha?!" Sigaw ni Kid sa Goblin King.

Nagalit naman ang Goblin King at nagpakawala ng mga suntok. Malalakas an mga iyon ngunit nasasalag naman ito ni Kid.

Habang nakatindig si Kid, bigla siyang napapaurong dahil sa pagsuntok ng Goblin King. Ang kanyang lupa na tinatapakan ng kanyang mga paa ay unti unting nagkaroon ng bakat habang umuurong siya.

Ilang samdali pa, biglang nagkaroon ng isang malaking bola na bumalot sa kamao ni Goblin King at itinama ito sa katawan ni Kid.

Biglang nakaramdam si Kid ng sakit at hindi napigilang mapabuga ng mapupulang dugo.

Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita. Ang tanging alam mila ay ang Goblin King ay may taglay na matinding lakas ng katawan at mahirap siyang talunin dahil doon.

Hindi nila inakalang mayroong Martial Art Skill ang Goblin King.

"Ano ang Atakeng iyon?!" Gulat na sabi ni Priest Meng.

"Paano siya nagkaroon ng ganong Skill?!" Gulat na sabi ng lahat. Lahat ay nagulat sa kanilang nasaksihan at hindi nila inaasahan ang kanilang narinig.

"Hahahaha.... HAHAHAHA!" Hindi naman nila inaasahan ang pag ngiti at pagtawa ni Stragori habang nakagapos ito. Para bang nababaliw na ito sa paraan ng kanyang pagtawa.

"Sino bang nagsabi na hindi marunong matuto ang mga Goblin ng Martial Art Skill? Mga Ninuno ninyo? PATAY NA SILA!  At hindi nila sigurado ang mga sinabi nila." Panimula niya.

"Kung kaya't gumawa ako ng isang maliit na eksperimento. Tinuruan ko ang Goblin King kung paano matuto ng Martial Art Skill na hindi ko kailanman kayang gawin. Kaya heto, nandito na tayo." Mahabang paliwanag niya.

Nagulat ang limang High Priest sa narinig maliban kay Priest Meng.

"Ano ang ginawa mo?!" Galit na sabi ni Ramon. Walang anu ano'y tumawa nanaman si Stragori na parang nahihibang.

Tumilapon si Kid at tumama sa isang malaking bato. Nawasak ang malaking balong iyon dahilan para bumagsak ang mga nabiak na bato papunta sa pwesto ni Kid.

"Urgh!" Daing niya.

Unti unti siyang bumangon. Medyo nahihilo pa siya dahil sa pagsuntok sa kanya ng Goblin King at pagtama niya sa malaking bato.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon