31

4.4K 225 10
                                    

Habang gumuguho ang buong bangin ay hindi ko parin maisip ang aking narinig kanina.

Si Ben? Ang nakausap ni Zed noong nakaraan? Teka, siya ba ang espiya?

Nawala ang aking pag-iisip tungkol soon nang nagsalita si Zed.

"Hayop talaga si Ben! Sinasabi ko na nga ba eh! Siya ang Espiya!"

"Simula palang nang makilala namin ni kuya ang lalaking iyan, alam ko nang tiwali siya. May mga sikretong operasyon silang sinagawa ng pamilya niya na ayaw ipaalam sa iyong ama, Scarlet. Mero hindi namin sila kayang mapaimbestigahan dahil sa ang aming pamilya ay naghihirap. Isa din sila sa mga nanggigipit na pamilya para mapigilan ang pag asenso ng aming lupain. Waaah!" Sigaw ni Zed at aakmang susugod kay Ben.

Agad kong hinablot ang kanyang kamay at pinigilan.

"Huwag kang gagawa ng mga aksyong hindi mo pinag iisipang mabuti,Zed. Alam kong may maganda kang dahilan para mapanagot ang lalaking iyan pero hindi ito ang tamang oras. Gumuguho na ang buong bangin at pag nagkataon ay hindi matin maliligtas sila Fred at iba pa nating kasama. Baka mapasama ka rin sa mga malulubog dito." Paliwanag ko para mapakalma siya.

Alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko pero halata parin ang galit sa kanyang mukha. Umurong siya papunta sa aking likod.

Tinignan ko siya at tumango. Agad kong ibinagsak ang Spear na aking hawak sa lupa at nagkagawa ako ng mahinang pagyanig. Ginamit ko iyon para malaman ko ang pwesto ng aming mga kasama. Nang mahanap ko sila ay agad kong tumakbo upang maligtas na sila.

"Scarlet, Zed, tulungan nyo na ang iba nating kasama na makaalis na lugar na ito. Ilang sandali nalang ay guguko na ang buong kweba. Mag morph na kayo. Alam ko na kung nasaan ang iba nating kasama kaya ililigtas ko na sila." Sabi ko at agad na kumaripas ng takbo.

Habang itinatahak ko ang daan ay nakita kong may humarang sa aking daan. Ang ilang mga bloodfist at nagmorph na sila sa kanilang Spirit.

"Bata. Alam namin na ikaw ang nakakuha ng Spirit stone ng Centaur na iyon. Bibigyan ka namin ng dalawang pagpipilian. Sasapi ka sa amin, o tatanggalinnnamin ang Spirit Stons sa iyo." Sabi ng matabang lalaki na nagmorph sa isang malaking elepante na may mga sungay.

Agad akong ngumiti at sinabing.. "subikan ninyo."

Agad kong hinampas ang lupa gamit ang aking Spear at bumulwak ang lupa sa dalawa. Habang papalapit ng papalapit sa kanila ang biak ay palaki ng palaki ang butas. Isa isa silang nahulog sa aking kinawa.

Ipinagpatuloy ko ang pagpunta sa aming ilang kasama.

Pagdating doon ay nakita ko ang mga kasama ko na nanlaki ang mga mata sa gulat. Ang kaninang Centaur na nakikipaglaban sa dragon ay nakuha na.

Mayroong tela sa kanilang mga bibig kung kaya't mga ungol lang ang aking naririnig.

"Alo ito, si Kid. Ililigtas ko na kayo." Sabi ko.

Pero iniisip ko kung paano ko sila maililigtas. Masyadong matagal kung isa isa ko silang bubuhatin at ilalagay sa isang ligtas na lugar.

Nagulat ako ng nagsalita ang Centaur sa isip ko.

"Bata, gumawa ka ng isang malaking bilog sa lupa gamit ang Spear ko. Pagkatapos ay ilagay mo ang mga batang iyan s aloob at ako na ang bahala sa susunod." Sabi niya.

Agad kong sinunod ang sabi niya at nang matapos ako at pumasok ako sa loob ng bilog. Pumikit ako ng saglit at nang pagdilat ko ay napansin kong wala na akong kontrol sa aking galaw.

'A-anong nangyayari!?' Sabi ko.

'Nagpalit kayo ng persepsyon ng Centaur, Kid.' Sabi ni Master. 'Isa pa sa mga kailangan mong malaman ay maaaring magpalit ng persepsyon ang isang spirit bearer kapag ang paraan ng pagkuha niya sa isang spirit ay ang paggawa ng kontrata. Maaari lamang  itong gawin ng isang spirit kapag binigyan siya ng pahintulot ng kanyang bearer at pangalawa ay kapag nararamdaman niyang napapalagay na kayo sa panganib.' Sabi ni master.

Agad naman akong tumango sa sinabi niya at pinanood nalang ang ginagawa ng centaur gamit ang aming mga mata.

Para bang may sinasabi siyang mga salita na hindi ko maintindihan at unti unti kong napansin na gumagalaw ang lupa. Agad kong naramdaman ang pag-angat ng lupa na aming tinatapakan at papunta ito sa itaas ng bangin.

Sa bilis ng oangyayari ay hindi ko parin iyon maproseso sa aking utak.

Nang makarating kami sa itaas ay agan na may lupang nagtakip sa amin doon sa loob.

"Sabihin mo sa iyong mga kasama na mas ligtas sila kapag nandito sila sa loob. Iyon lamang." Sabi niya.

At bumalik nanaman ang akin kontrol sa aking katawan.

"Dito muna kayo. Mas ligtas kayo dito." Agad kong tinanggal ang mga tali na kanatali kay Fred at sinabing.. "ikaw na ang bahala sa kanila. Madami pa ang ating mga kasama na natira sa ibaba ng bangin. Tutulungan ko lang sila Scarlet at Zed." Sabi ko at agad na bumaba.

Kahit na medyo malayo na ako ay narinig ko parin ang sigaw ni Fred ng "salamat!" Na ikinangiti ko.

Malaki na nga ang ipinagbago ni Fred. Alam ko na mali ang unang impresyon ko sa kanya dahil sa pang-aaway niya sa akin noon pero nang nagkita ulit kami ay nagbago na nga talaga siya.

Medyo nahihiya lang ako dahil siya ang una kong pinagdudahan na naging espiya ng bloodfist pero nagwala na iyon. Alam ko na kung sino ang totoong espiya.

At hindi lang siya espiya, siya ang anak ng isa sa mga lider ng grupo. Kapag nalaman ito ng Ama ni Scarlet, tiyak na aiya mismo ang gagawa ng paraan para paalisin ang buong pamilya ni Ben sa aming lugar.

Nang makarating ako doon ay ganoon din ang ginawa ko sa ilan naming kasama. Ginawa ko ang ginawa ng Centaur at nailigtas ko na ang lahat.

Agad akong pimunta sa itaas ng bangin at lumapit kila Zed at Scarlet.

"Wala nang natira doon diba?" Tanong ko at agad naman silang tumango.

Agad kong kinausap ang Centaur.

"Centaur, maaari nyo na po bang gawin ang dapat mangyari sa kanila?"
Tanong ko.

Agad na nagpalit kami ng Persepsyon at sinabi niyang. "Ako ang bahala."

Itinaas niya ang kanyang kamay kasama ng Spear na kanyang hawak.

Agad na nagunaw ang buong bangin at nalubog ang buong grupo ng Bloodfist sa ilalim ng bangin.

Nakakatakot panoorin ang mga ganitong pangyayari dahil dito mo malalaman kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng isang Spirit god. Kaya nilang baguhin ang mga bagay na kanilang nakokontrol sa kung ano ang kanilang gusto. Kung sakaling magwala ang spirit god na ito at mapadaan sa aming lugar, paniguradong mabubura ang aming bayan sa isang iglap lamang.

SpiritsWhere stories live. Discover now