34

4.4K 228 4
                                    

Nang makarating kami sa mga Levi, hindi na nagtaka si Zed na walang sumalubong sa amin.

"Sabi ko na nga ba." Sabi niya.

Napatingin ako sa kanya dahilan para magsalita muli siya.

"Anihan na kasi ngayon ng mga palay. Hindi nakakapagtaka na walang katao-tao dito. Haha" sabi niya sabay kamot sa ulo.

Ang mga nakikita lang namin sa aming paligid ay ang mga bata na naglalaro. Ang iba sa kanila ay nakita kami at binigyan kami ng mahigpit na yakap. Siguro ay nasabi sa kanila ang tungkol sa aming paglalakbay ng kanilang mga magulang kung kaya't ganoon ang kanilang salubong sa amin.

"Kuya Zed, paglaki ko, gusto ko maging katulad mo! Spirit Bearer!" Sabi ng isang bata.

"Hindii! Ako kaya magiging ganon!" Sabi naman ng isa.

Hindi ko maalis ang ngiti sa aking mukha dahil sa mga batang ito. Noong bata pa ako, nangangarap na akong magkaroon ng spirit pero hanggang ngayon, wala parin. Haha! Iba siguro ang ibibigay ng kapalaran sa akin.

Ilang sandali pa ay naglakad na kami papunta sa bahay nila Zed. Sinalubong kami ng kanyang ama at ang kuya niya.

"Zed, anak! Kid! Nabuti at ligtas kayong nakabalik!" Sabi ng kanyang ama.

"Kamusta ang paglalakbay ninyo?" Sabi ni Zac.

"Ayos lang naman po." Sagot ko.

"Osya, bukas na tayo magkwentuhan at magsaya. May pagkain na doon sa hapag, kumain muna kayo, maligo at magbihis para makapagpahinga na kayo." Sabi ng ama ni Zac.

Tumango kami ni Zed at tumungo na sa hapag kainan.

Simple lang ang nakahain ngayon. Madaming mga prutas ang nasa hapag nila. Mayroong karne na inihaw at isang kalderong kanin. Ang masasabi ko lang na nagpagarbo ng lamesang ito at ang mga wine at kandila na nasa mesa.

Sinimulan na naming kumain ni Zedupang makapaghanda na sa pagpapahinga. Nang matapos kami kumain ay sabay na kaming pumasok sa isang malaking paliguan. Naghubad na kami ng aming damit na may bakas pa ng alikabok at lupa.

Nagbabad kami sa tubig na maligamgam. Napakasarap sa pakiramdam ang tubig lalu na sa mga masasakit na parte ng aking katawan. Nagk-kwentuhan kami ni Zed nang bumukas ang paliguan.

"Zed, Kid. May gusto lang akong malaman." Panimula ni Zac. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala at pag aalangan. Sabay kaming napatingin ni Zed sa kanya upang malaman ang kanyang saaabihin.

"Itatanong ko lang kung nagkita ba kayo ni Ben sa inyong paglalakbay." Tanong niya. Nang marinig namin ang pangalang iyon ay nanlaki ang aming mga mata. Nagkatinginan kami ni Zed at nababasa namin ang nasa isip ng isa't isa.

"Opo kuya. Bakit mo naitanong?" Tanong ni Zed. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.

"Ganito kasi iyon." Panimula niya. "Mula noong bata pa pa kani ni Ben, mahilig niyang ikumpara ang mga ginagawa niya sa ginagawa ko. Gusto niya akong higitan. Gusto niya akong matalo kahit wala nang dahilan. Kaya isang beses ay tinanong ko ang dahilan sa kanya kung bakit ganoon nalang ang pakikitungo niya sa akin."

"Pero hindi ko alam kung bakit sinabi niya na isa raw kasi akong hadlang sa kanila at sa kanilang kagustuhan. Hindi ko alam ang ibig niyang pahiwatig."

"Simula pa lang ay alam kong hindi na mabuti ang lagay ng pamilya natin sa pamilya niya. Pamilya kasi sila ng mga manlalakbay. Hindi sila galing dito sa ating bayan. Nang malaman ito ng hari ay nais sana niyang ilagay ang kanyang buong pamilya sa ating lugar, dito. Sasang- ayon na sana si ama pero hindi pumayag ang ating lolo, Zed." Sabi nito na ikinalaki ng mata ni Zed.

"Sabi ni lolo ay hindi tumatanggap ng manlalakbay ang lupa ng mga Levi. Nais kasi ni lolo na manatiling puro ang ating dugo. Ayaw niyang mahaluan ng ibang bloodline ang ibang tao, lalu na na delikado ang ating bloodline." Sabi pa niya.

"Kung kaya't napilitan ang pamilya ni Ben na tumira sa ibabang parte ng lupain ng mga Tan. Ilang kilumetro mula sa spirit Forest. Doon ay nanatili ang pamilya nila Ben sa ilang taon." Sabi niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin kung kaya't hindi ko nalang iyon pinansin. Isang araw ay niyaya niya ako sa isang dwelo. Gaganapin daw ito kapag bumilog na ang buwan. Pumayag ako. Pero sa kasamaang palad, ang araw na ring iyon ay ang paghina ng aking katawan." Sabi niya.

Nagkakatinginan na kami ni Zed sa mga sinasabi ni Zac. Gusto kong malaman ang totoo. Pero teka, nasa lugar na iyon nakatira si aling matilda ah!

Gusto ko sanang magtanong pero nagsalita muli si Zac.

"Dalawang araw nang nakalipas nang bumisita ang ama ni Ben da palasyo ng hari bago ito pumunta sa ibang bayan. Nais na raw nilang umalis na sa bayan dahil kailangan na raw nilang muling maglakbay. Nagpasalamat ito ng lubos sa hari at nagbigay ng isang pasasalamat." Sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Ibig sabihin...

"Ibig sabihin, wala na ang buong angkan nila Ben sa bayan natin!?" Sigaw ni Zed.

"Oo." Sabi ni Zac.

Habang nag uusap ang magkapatid, nalunod ako sa mga tanong sa aking kakaisip. Bakit ayaw nang lolo nila Zrd ang pamilya nila Ben? Dahil lang ba talaga sa kanilang dugo o may alam siya tungkol sa pamilya ni Ben? Alam ba niya ang tungkol sa pagiging Bloodfist nila? Bakit ganoon nalang ang galit ni Ben kay Zac? "Hadlang sa amin" ano ang ibig sabihin non?

Unti unti kong ipinagtagpi- tagpi ang mga pangyayari para makaisip ako ng dahilan.

At isa lang ang tumatakbo sa aking isip para gawin ni Ben iyon at ng kanyang pamilya.

Nais nilang makuha ang lugar nila Zed. Ang Levi. Pero para saan? Anong dahilan?

Hindi kaya...

Nais nilang sakupin ang buong bayan?

Nanlaki ang aking mga mata sa aking naiisip. Mabuti nalang ay sinalba ako ni Master nang magsalita siya.

'Huwag ka munang mag isip ng ganyan Kid. Hindi natin sigurado ang mga plano ng mga Bloodfist." Sabi niya.

Napapikit ako sa sinabi ni master at unti unting tinanggal ang aking mga naiiisip sa aking isipan.

'Kid, bukas ay tutulungan natin ang pamilyang Levi na makaalis sa nakakamatay na Bloodline nila." Sabi ni Master.

Muli kong naalala ang tungkol sa paggagamot kay Zac at sa kanyang ama.

"Kuya, alam mo ba na si Ben ay kasapi ng Blo--" sabi ni Zed na hindi ko na pinatapos.

"Zac, bukas ay maghanda kayo ng iyong ama. Gagamutin ko na kayo." Sabi ko.

"Ay! Oonga pala kuya, nakuha na anmin ni Kid yung mga gamot para sa inyo. Bukas nalang tayo mag usap ha!" Sabi ni Zed.

Nanlaki ang mga mata ni Zac sa narinig. Magkahalo ang gulat, tuwa at pasasalamat sa kanyang mukha. "Naku salamat naman. Salamat Kid, Zed. Osya, umahin na kayo diyan at para makapagpahinga na kayo."

Tumango kami ni Zed at lumabas na ng si Zac sa paliguan.

Agad kong kinausap ni Zed tungkol sa nalalaman namin.

"Zed, huwag mo munang sabihin sa kanila ang tungkol kay Ben. Mas mabuti na lang siguro na manggaling sa Hari ang mga salitang iyan kaysa manggaling sa atin." Sabi ko.

Tinignan ako ni Zed nang walang emosyon at sabay tango. Ilang sandali pa ay umahon na kami ni Zed at nagbihis na.

SpiritsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant