10

4.5K 233 7
                                    

Masipag na hinabol ni Kid ang makulit na bituin na patuloy sa pagtakbo palayo sa kanya. Masipag niya itong hinabol at hindi namalayan ang oras.

"Ilang minuto nalang at matatapos na ang oras ko dito!" Sabi niya.

Napatingin naman sa kanya si Master Val ng may awa. "Sige na! Tutulungan na kita!" Sigaw ni Master Val at hinabol ang munting bituin na masipag paring timatakas.

Dalawa na silang humahabol sa bituing iyon at ilang segundo nalang at matatapos na ang limang minuto na ibinigay kay Kid.

"Ah, ayaw mo ha!" Sigaw ni Kid at biglang tumalon. Ilang sandali pa at bigla na siyang nakabalik sa Beast hall. Kumpara kay Lee kanina na hingal, mag hingal siya dahil sa paghabol ng kanyang Fate Beast. Mabuti nalang at naabutan niya ang bituin at nakuha ito bago bumalik sa Hall.

Unti unti na ring nabuo ang Fate Beast na nasa tabi ni Kid.

"Binabati kita Kid. Maaari ka nang lumabas." Sabi ni Carlo sa kanya. Lumabas na si Kid sa Beast Hall na may hindi maipaliwanag na mukha.

Paglabas niya, mapapansin ang nga matang nakatingin sa kanyang pwesto. Ang mga gwardya at ang dalawang high Priest.

Nang maidako ng mga ito ang mga mata nila sa Fate Beast ni Kid, nanlaki ang mga mata nila.

"Ano iyan?!"

"Bakit.. bakit.."

"Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Totoo ba iyan?!"

Iyan ang mga sinabi ng ibang mga gwardya ngunit ang may pinaka kakaibang mukha sa kanilang lahat ay sila Priest Meng at Priest Xiao.

"Hindi ako makapaniwala! Isa ang binatang iyan ang nakakuha ng aking pansin sa pagsusulit na ako mismo ang nakasaksi! At napailaw niya ang limang mga bato na simbolo ng mga atmas na gagamitin ng mga Gwardya. At nagkaroon siya ng ganyang Fate Beast!? Hindi talaga ako makapaniwala!" Sabi ni Priest Meng sa sarili.

Mapait na hindi maipaliwanag naman ang mukha ni Priest Xiao. Sa tagal na niyang pagiging Official Guard, nakakita na siya ng napakaraming Fate Beast. May iba't ibang lakas at hugis. Pero sa pagkakataong ito, ngayon lang siya nakakita ng ganitong Fate beast. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi matawa.

" *Phft! Wahahahaha! Ano bang klase Fate Beast iyan!" Sabay turo sa Fate Beast ni Kid.

Hindi narin mapigilan ng iba na matawa sa kanilang nakita.

"Hahaha! Fate Beast ba ang isang iyan!?"

"Sinlaki lang iyan ng pusa sa bahay namin eh! Haha"

"Ano kaba! Masmalaki pa nga ang kamay ko sa isang iyan eh. Hahaha!"

At kumalat ang tawanan at tuksuhan sa paligid ng Beast Hall. Ang Fate Beast naman ni Kid ay umakyat sa balikat nito at doon ay umupo.

Maasim ang mukha ni Kid sa reaksyon ng kapwa gwardya. Maski kasi siya ay hindi rin makapaniwala sa nakuhang Fate Beast.

Isa itong maliit na pusa. Halos isang dangkal lang ang laki nito at may kakaibang mga mata. Ang mata nito ay kulay asul na walang itim sa gitna. Bulag ang pusang ito. May itim, puti at abong kulay ang balahibo nito at may kakaibang kulay asul na balahibo ito sa magkabilang tenga.

Maliit lang ito at magaan kung kaya't hindi nahihiran si Kid na buhatin ito pabalik sa pila niya. Tinignan niya ang pusa na dinidilaan ang kanyang tenga. Medyo nakikiliti si Kid sa ginagawa ng pusa.

Kinuha kiya ang pusa at ipinatong sa kanyang dalawang palad.

Hindi parin matigil ang mga reaksyon ng mga gwardya lalu na si Priest Xiao.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon