6

4.5K 231 5
                                    

"Ang sununod na pagsusulit ay ang power test." Sabi ni Priest Meng sa walong nakapasa. Kasama doon si Kid.

"Ang pagsusulit na ito masusukat ang abilidad ninyo sa pakikipaglaban. Ang limang Gwardya sa aking likuran ay may iba't ibang galing sa armas na kanilang sinasanay. Kailangan nyo lang pumili ng isa na makakalaban ninyo." Sabi ni Priest Meng na ikinagulat ng lahat.

Noong nakaraang taon, ang Power test ay isang pagsusulit kung saan makikipaglaban ang mga lalahok sa mga taong gawa sa dayami. Kapag napabagsak ang dayaming iyon, pasok na siya sa susunod na pagsusulit.

Pero iba ang pagsusulit ngayon. Maski si Ana ay nagulat.

"Huwag kayong mag alala. Kailangan nyo lamang mapagalaw ang napili ninyo gwardya. Kapag napagalaw ninyo sila, pasok kayo sa sunod na pagsusulit." Sabi niya.

Labis itong ikinagulat ni Kid. "Ang kailangan lang ay mapagalaw sa kinatatayuan ang gwardya na pipiliin ko." Aniya.

"Simulan na natin." Sabi niya at naglatag na ng mga armas ang kasama ni Priest Meng. Maraming mga armas na nakalatag doon. Iba't ibang uri na aayon sa paraan kung paano ka komportableng makakaatake.

Una nang lumapit ang unang nakapasa sa unang pagausulit.

Kumuha siya ng espada. Halata sa mukha nito ang kaba na nararamdaman dahil makaka- kalaban niya ang mga gwardya na galing sa Capital.

"Pinipili ko pong kalabanin ay ang naka kulay pulang Gwardya." Aniya. Labag man sa loob niya, takot man siya, wala siyang magagwa kundi ang pumili ng makakalaban.

"Ay, isa pa palang paalala. Ang mga gwardyang inyong pipiliin ay maaaring sumalag. Pero hindi pwedeng umatake. Kayo lang ang aatake sa mga Gwardya at kapag nagtagumpay kayo sa misyon, makakapasok kayo sa susunod na pagsusulit." Dagsag ni Priest Meng na nagpahinga ng maluwag sa walong kalahok.

"Mabuti nalang at hindi sila makakaatake at sasalag lang sila."

"Oonga. Mabuti nalang."

"Ang akala ko talaga aatakihin nila tayo eh. Huhuhu."

Ilang sandali pa ay tumayo na ang gwardya sa isang maliit na bilog kung saan ang kanyang mga maa ay sakto lamang sa laki ng bilog. Malalaman kaagad nila kung makakagalaw ang gwardya o hindi.

Hinawakan na ng mahigpit ng unang sumubok ang espadang kanyang hawak.

"Aaaaaaaaahhh!" Sigaw nito at sabay sugod sa gwardyang nakatingin lang sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig na ang tunog ng kalantsing ng dalawang espada.

*Tchiiiing!

Binalot ng usok at alikabok ang pwesto ng dalawa. Unti unting humupa ang almga alikabok at nakita na ang imahe ng dalawang lalaki.

Nanginginig ang lalaking sumugod ay halata ito sa panginginig ng espadang kanyang hawak.

Ang imahe naman ng gwardya ay kaswal lang at walang pinagbago.

"Hindi gumalaw ang hinamon. Hindi pasado!" Sigaw ng taga anunsyo.

Nabitawan naman ng lalaki ang hawak niyang espada at bumagsak sa lupa. Para bang nanlambot ang kanyang mga tuhod at tinitigan ang gwardyang naka pula. "Masyadong malakas." Aniya sa sarili. Tinignan lamang siya ng gwardya na para bang langgam na dumaan sa daan ng isang higante.

Ipinasok nito ang kanyang espada sa lalagyan nito sa kanang bahagi ng kanyang baywang at bumalik sa hanay ng mga gwardya.

"Sunod!" Sigaw ng nag aanunsyo at tumayo na ang susunod na kalahok. Sunod sunod ang mga nangyaring pagsusulit hanggang sa pang limang kalahok.

SpiritsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon