9

4.9K 274 4
                                    

Malapit na kami sa pwesto ng punong sumipsip sa tubig sa buong lupain ng Levi nang nagsalita si Val at pinigilan ako.

'Mamaya na natin puntahan ang Punong iyan. May gusto lang akong tignan.' Sabi ni Val.

'Sige po.'

Naglakad na kami papunta sa itinuturo niya. Ilang sandali pa ay nakapunta kami sa dulo ng kweba. Sa dulo nito ay mayroong dalawang butas papunta sa magkabilang direksyon. Ang isa ay papunta sa kanan at ang isa ay sa harap namin.

'Master, saan na po tayo pupunta.' Sabi ko.

'Sa kanan tayo. Sa totoo lang, iisa lang ang patutunguhan ng dalawang daan na ito. Mas malayo nga lang ang isa. Pero ang isa, malapit pero delikado. Kung ano sa dalawang iyan ang isa, hindi ko alam. Kaya sa kanan nalang tayo dumaan.' Aniya.

'Eh Val, gaano po kadelikado ang sinasabi ninyo?'

Napaisip siya sa akong sinabi. Humarap siya sa akin at nagsalita.

'Mga 100 hanggang 1,000 years na monster. Mga Devourer Bats. Ang makakaharap mo.' Sabi niya.

Teka, 100 hanggang 1,000?!? At wala akong gamit na spirit para protektahan ang sarili ko.!? O kahit armas lang! Wala!

Anong binabalak ni Val!?!

Kung ano mang mangyari, bahala na.

Naglalakad kami ni Val papunta sa lugar na gustong puntahan niya. Ilang saglit pa ay dumidilim na ang paligid.

Ibig sabihin, masyadong malayo na ang aming napuntahan. Habang papunta kami sa dulo, mas nawawala ang aking paningin.

'Master! Wala na akong makita. Madilim na masyado!' Sabi ko.

'Basta dire- deretso ka lang. Huwag kang titigil. Malapit na nating marating ang dulo.' Sabi niya.

'Bakit ayaw mong gumamit tayo ng apoy para sa ilaw?' Tanong ko.

Hindi ko napansin, mayroon akong nabanggang isang maliit na bato. Nasipa ko ito at gumulong palayo. Nakagawa ito ng mga tunog na rinig kahit mahina lang iyon.

May narinig din akong isang pagsabog sa kung saan. Hindi ko matiyak sa kung saan ito galing pero sa tingin ko ay malapit lang ito dito sa aking pwesto.

Sa dilim ng paligid, hindi ko maaninag ang kahit anong ilaw pero may napansin akong dalawang pulang ilaw sa aking harapan.

Ilang saglit pa ay may narinig nanaman akong pagsabog. Hindi ko alam ag rason pero napapaisip ako kung saan nanggagaling iyon. Pero naalala ko ang nakita kong liwanag. Baka iyon na ang dulo ng kweba!.

'Master Val! May nakikita na akong ilaw!' Sabi ko.

'Saan? Ibig sabihin niyan, malapit na tayo sa dulo!' Sabi niya.

Agad akong tumakbo sa aking nakitang ilaw ay sinundan ito para makaalis sa kweba.

Ilang saglit pa ay napansin kong ang dalawang liwanag na aking nakita ay naging apat na. Hanggang sa padami ito ng padami.

Hindi ko na napansin na napapaligiran na ako ng mga kulay pulang liwanag.

Nakaramdam din ako ng kakaibang aura sa akong paligid. Bumigat ang aking pakiramadam. Ilang saglit pa ay biglang nagsalita si Val.

'Kid! Bilisan mo! Humiga ka! Mga Devourer Bats!' Sabi niya.

Agad akong napahiga sa pagsigaw niya. Nang makahiga na ako sa lupa ay buglang nagliparan ang mga ito sa aking itaas. Lumilipad sila palabas sa kweba kung saan ako pumasok kanina.

SpiritsWhere stories live. Discover now