12

4.4K 234 14
                                    

Lumipas ang gabi at lumabas nanaman si Haring Araw sa Central City. Hudyat na ito ng bagong araw, hudyat narin kila Kid na bumangon dahil babalik si Priest Meng para sa huling araw ng paggabay niya sa mga bagong gwardya ng Capital.

Ilang sandali pa ay dumating na si Priest Meng sa Barracks at nandoon narin ang mga bagong Gwardya.

"Mabuti at kumpleto na ang lahat. Ito na ang huling araw ng paggabay ko sa inyo. Kung sakaling magkaroon kayo ng katanungan, puntahan nyo lang ako sa Aking bahay." Aniya.

"Ito na ang pinakahuling kailangan ninyong malaman. Tuwing ikahuling araw ng buwan, kasama ng pill na ibibigay sa inyo, bibigyan kayo ng 10 Silver. Maaari ninyong gawin ang lahat ng gusto ninyo basta't huwag ninyong kalimutan na sa susunod na taon, kailangan ninyong makamit ang 5th Mortal Realm. Kung sakaling makamit nyo kaagad ang 5th Mortal Realm, may sampung mga bahay sa aking likuran. Ang mga bahay na iyan ay bakante at kung sino ang unang makakuha ng ganoong Cultivation ay maaari nang makapasok sa kahit saang bahay diyan. Sa susunod na taon, kung sino ang sampung nasa loob ng mga bahay na iyan ay otomatikong mapapabilang sa Official Guards ng Central City." Aniya."Kung ano ang paraan? Kayo ang mag isip."

"Alam kong gagawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya kung kaya't hinihiling ko ang inyong tagumpay." Sabi pa nito at umalis na.

Natahimik naman ang lahat.

"Iyon na iyon?"

"Ha? Ano daw ang gagawin ngayon?"

"Sa isang taon kailangang maging 5th Mortal Realm tayo! Pero paano?!"

Medyo nagkagulo ang mga bagong gwardya, maliban kay Kid. Inisip niyang mabuti ang lahat ng mga sinabi ni Priest Meng. Kahit na kasi nakasulat na sa librong ibinigay ni Priest Meng ang patungkol sa pagku vultivate, hindi ito masyadong naipaliwanag ng maayos.

"Hindi maaaring mang iwan lang ng ganoon si Priest Meng. Malamang ay binigyan na niya kami ng sagot sa aming mga katanungan. Pero saan doon?"

Pinag isipan niya ito ng mabuti. "Paunahan lang naman ang magiging labanan. Labing lima kaming lahat at sampu lang ang mga magagandang bahay na iyon. Ibig sabihin ay sampu lang ang magiging Official Guards sa amin."

"Kailangan ko talagang makapasok sa Library para malaman ko kung paano makapagcultivate ng mabilis." Sabi niya sa sarili.

Nakalimutan ng lahat na ngayon ay huling araw ng buwan. Mayroong mga guwardya na naglibot sa bawat bahay nila kid at nagbigay ng isang Pill at sampung Silver. Pagkabigay nito ay umalis na ito bigla.

Agad na inisip ni Kid kung paano ang kanyang gagawin.

"Kung sakaling pupunta ako ngayon sa Central City Library, mababawasan ako ng dalawang silver." Aniya. Sa huli ay nakapagdesisyon na siya at pumunta sa Central City Library.

Paglabas niya ng kanyang bahay ay wala siyang nakita sa labas ng barracks. Lahat sila ay nasa loob ng kani kanilang kwarto at kasalukuyang ginagamitnna ang Pill na bigay sa kanila. Hindi na pinagtuunan ni Kod ng pansin ang mga iyon ay nagsimula nang maglakad.

Nilakad niya ang pagpunta doon. Madaming tao siyang nasalubong habang naglalakad at ilang minuto pa ay nakarating na siya roon.

Papasok palang siya ay hinarang na siya ng mga nagbabantay ng Library.

"Kailangang magbayad ng 2 silver para makapasok sa loob ng Library." Aniya.

Binunot naman ni Kid ang dalawang silver sa kanyang bulsa at inabot sa lalaki.

"Nakapagbayad ka na. Isang paalala lamang para sa iyo, Kapag lumabas ka ng Library, ibig sabihin ay tapos ka nang gumamit ng Library na ito. Kung napag isipan mong kulang pa ang kaalaman mo at nagpasyang bumalik, kailangan mong magbayad muli ng 2 silver para makapasok." Aniya.

SpiritsWhere stories live. Discover now