35

4.2K 337 49
                                    

Sa kabilang panig naman ang Gaia, mayroong isang lugar na napapaligiran ng napakaraming mga damo't dayami, mayroong dalawang goblin na may hawak na hawak na patalim saisa nila ang kamay habang bitbit ang isang malaking baboy na may pangil .

Habang bitbit nila ito ay mayroong dalawang mas malaki at mas matangkad na gabi na may hawak na spear. Sila ang mga gwardya ng lupain na sakop ng mga goblins.

Magulo ang lupain na ito at madumi rin. Madami ng mga goblin sa loob ng lupain na ito at katangian sa mga naninirahan dito ay mga sanggol o maliit na goblin.

isa sa mga kakaibang katangian ng isang goblin ay ang kakayahan nilang mag parami ng mabilis kung kaya't nakakatakot ang kanilang pwersa pagdating sa digmaan at labanan.

Diamond salon nabiyayaan ng matalinong isipan unit sa kanilang lakas at dami, hindi katakataka is a sila sa mga kinakatakutang race sa Gaia.

Habang tinatahak saan dalawang maliit na goblin na may hawak na baboy, naririnig ang mga sigaw at ungol sa isang malaking bahay na napapaligiran ng mga rehas. Ito ay isang kulungan ng mga tao na kanilang nadakip.

"Tulooong!"

"Pakawalan na kami dito!"

Daing ng mga tao na nasa loob ng kulungan na ito. Nakakatakot ang mga sinapit ng mga taong ito dahil kilala ang mga goblin bilang brutal sa kanilang mga preso.

Pumasok ang dalawa sa isang pinto kung saan nandoon ang isang nakakatakot at nakakasindak na pigura nang isang malaki at mataba na goblin. Ito ang goblin king.

hindi man marunong makapagsalita ang mga goblin ngunit alam nila ang mga dapat nilang gawin, alam niya kung sino ang dapat galangin, at sino ang dapat katakutan.

Naramdaman ng dalawang maliit na goblin na ito ang pressure at aurang inilalabas ng goblin king mula sa kanyang katawan.

Kasalukuyan itong kumakain ng lamannang isang uri ng hayop at haba ng kinakagat nito ang hibla ng laman mula sa buto nito ay narinig nito ang pagbagsak ng baboy na hawak ng dalawang goblin.

Ang mga pulang mata nito ay napatingin sa baboy na nasa hapag. Agad nitong kinuha ang katawan ng hayop at hinati sa gitna.

Walang ano-ano'y ipinasok niya it sa kanyang bibig at nilamon ang laman ng baboy. Hahang nilalantakan ng Goblin king ang kanyang pagkain ay may mga hakbang na maririnig.

Habang papalapit ito ng papalapit sa pwesto ng Goblin king ay palakas ng palakas ang hakbang nito. Nang marinig ito ng mga goblins ay agad silang nataranta na para bang hindi nila alam ang gagawin.

Ilang sandali na ay makikita ang isang pigura ng isang tao na may mahabang buhok. Nakasuot ito ng mahaba at puting damit na para bang isang guro mula sa isang paaralan sa lupain ng mga tao.

habang papalapit dito sa goblin king ay makikita na meron siyang hila na sampung mga babaeng preso. Magulo ang mga buhok nito at gutay gutay ang kanilang mga damit. Makikita sa kanila ang kanilang makinis na balat ngunit may mga gasgas at pasa.

Naglalakad ang lalaki palapit sa goblin king habang hinihila nito ang babae. Ilang sandali pa ay maririnig ang malalim na boses ng lalaki.

"Alam kong nakakaabala ako sa iyong ginagawa mo na limitado ang ating oras. Kailangan nating kumilos.patuloy na lumalakas ang pwersa ng mga tao laban sa mga goblin katulad niyo." Sabi ng lalaki.

hindi makapag salita ng maayos ang goblin king unit naiintindihan nito ang mensaheng gustong ipahayag ng lalaki sa kanya.

"Alam ko. Kaya ako gawa paraan para talo mga tao!” pasigaw nitong sabi sa lalaki.

SpiritsWhere stories live. Discover now