39

4.6K 231 3
                                    

"Kamusta ka na, Kid! Mabuti at nakabalik ka mula sa paglalakbay mo kahapon sa Havanna. Hindi ka bumisita sa akin kahapon. Pinag alala mo akong bata ka!" Sabi nito na maluha luha pa.

"Hehe. Pasensya na po aling Matilda. Kasalukuyan po kaai akong naninirahan sa mga Levi eh. Hindi na po ako nakadaan sa bahay ninyo kahapon sa sobrang daming ginawa at sa pagod na rin po. Paswnsya na po talaga." Magalang at nahihiya kong sabi.

"Haha! Wala iyon. Ang mahalaga sa akin, ligtas ka." Sabi niya habang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. Simula nang mawala ang aking mga magulang, siya na ang naging magulang ko at malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil doon.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may sinabi si aling Matilda. "Kid, gusto ko sanang pumunta muna tayo sa tindahan ko. May ibibigay lang ako sa iyo." Sabi niya.

"Sige po. Pero saglit lang po tayo dahil hahanapin pa po kami ng hari para sa parangal niya sa amin mamaya." Sabi ko.

"Sige. Ibibigay ko lang sa iyo iyon tapos maaari ka nang bumalik dito." Sabi niya.

"Samahan na kita Kid." Sabi ni Fred pero tumanggi ako. Ayos lang naman akong mag isa dahil medyo malapit lang naman ang bahay ni aling Matilda.

Nagpaalam na kaming dalawa at naglakad na kami pabalik at habang naglalakad kami ay madami akong naikwento sa kanya tungkol sa mga pangyayari sa Havanna. Nagkwento rin siya tungkol sa mga nangyari sa bayan nang wala kami dito.

"Nagulat nga ang lahat nang umalis sila dito sa bayan natin. Parang noong nakaraan lang eh masaya pa silang nikikihalubilo sa amin. Nagulat nalang kami nang bigla silang umalis." Kwento niya.

Naalala ko pala na gusto kong itanong ang tungkol doon kay aling Matilda.

"Aling matilda, ang akala ko ay kasama ka sa angkan nila, hindi po ba?" Tanong ko.

"Naku! Hindi Kid. Mas nauna silang makarating dito sa bayan bago kami nakapunta dito. Pero bago kami pumasok dito, marami na kaming naririnig na bali-balita tungkol sa kanila. Pero habang tumatagal, lumilipas din ang mga sabi sabi at nawala na ito sa isipan ng mga tao. Pero dahil sa mga sinabi ng Hari kanina at sa kanyang mga desisyon, mukhang tama ang mga sabi sabi nila dati." Sabi niya.

"Ah ganoon po ba. Pasensya na po." Sabi ko.

"Haha. wala iyon." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Nang makarating kami sa harap ng kanyang tindahan ay napansin kong nakasarado ito ngayon. Tinanong ko siya kung bakit ngunit alam ko naman pala ang sagot. Dahil nga pala mayroong kasiyahan sa mismong plaza ng bayan kung kaya't karamihan ng tao ay nandoon at kaunti lang ang nasa kani kanilang mga lupain.

Pumasok kami sa loob at muli ko nanamang nakita ang maliit ngunit maayos na tindahan niya. Nakahilera ng maayos ang mga potions at pills na kanyang ibinebenta, mga mangilan- ngilang mga halaman na kailangan para sa paggawa ng potion at pills at iba pang gamit.

"Umupo ka muna riyan sa bangko Kid. Kukunin ko lang sa kwarto." Aniya at binuksan ang pinto sa kanyang munting kwarto.

Ilang sandali pa ay lumabas siya na may hawak na isang singsing. Mayroon itong itim na kulay na may pulang linya na disenyo sa gitna.

"Pinabibigay ito sa iyo ng isang lalaki. Hindi ko siya kilala pero mayroon siyang itim na hood na suot. Hindi ko karin natanong ang pangalan niya pero pinapasabi niya sa iyo na bigay daw ito ng iyong tatay." Sabi niya sa akin.

Hindi ko maalala o wala akong kilalang tao na may itim na hood. Pero nang sabihin niya ang tungkol sa aking tatay, bigla kong naalala ang lalaki na tumulong sa akin noong nasa Havanna kami.

SpiritsWhere stories live. Discover now