3

4.6K 233 11
                                    

Ang baryo kung saan nagmula si Ana at kung saan nakapunta si Kid ay isa sa pinakamahirap na baryo sa nasasakupan ng mga tao. Malapit ito sa ilog na humahati sa dalawang Race. Halos dalawang kilometro lamang ang layo nito sa ilog at halos dalawang bundok naman ang layo nito sa Central City.

Taon taon, nagsasagawa ang Central City ng isang malawakang Sensus kung saan ang isang high priest na galing sa Capital ay pupuntahan ang bawat bayan at baryong sakop ng central city upang kumuha ng isang binata o dalagang nasa tamang edad at may kakayahan at gawin silang mga sundalo ng Central City na magpoprotekta sa buong bayan laban sa mga maaaring sumakop o manira nito.

Dahil sa kakaunti lamang ang mga tao sa Baryong iyon, sa loob ng 7 taon na naisagawa ito ng Central City, tanging si Ana palang ang naging opisyal sa lahat ng kanilang kinuha.

Hindi ito maitatanggi dahil mula palang pagkabata ni Ana ay nagpamalas na ito ng kanyang galing sa paghawak ng mga armas lalu na ang paggamit ng pana. Kung kaya't hindi na katakatakang natanggap agad siya bilang opisyal na sundalo ng Capital.

Nang makarating na sa hapag si Kid ay binati niya ang mga nandoon. Sila Rosa at Gary na kanya nang nakilala, ang asawa ni Rosa at si Ana.

Nang makita ni Kid si ana ay para bang nakakita ito ng anghel. Hindi na katakataka ang ganitong reaksyon dahil mala anghel talaha si Ana.

Mayroon siyang Itim na buhok na umaabot hanggang sa kanyang likod, mga mapupingay na mata at porselanang balat. Lalung naging elegante itong tignan dahil sa suot nitong kulay dilaw na vest na marka ng pagiging Ranger niya.

"Ay Kid! Kumain ka na dito!" Sabi ni Rosa sa binata. Ngumiti naman si kid bilang sagot at kumuha na ng plato.

Binigyan naman siya ng porsyon niya ng pagkain ni Rosa. "Nga pala Kid, siya si Ana. Siya ang sinasabi ko sa iyo." Sabi ni aling Rosa kay Kid. Tinignan ni Kid si Ana at ngumiti. Tumakbo si Emy kay Ana at tumabi ito sa kanya sa pag kain.

"Ah! Ikaw pala ang nagligtas sa batang ito. Salamat ah." Kaswal na sabi ni Ana kay Kid.

"Wala iyon. Kahit sino naman siguro tutulungan si Emy kapag nakita nila." Sabi ni Kid na nahihiya.

"Osya, mamaya na kayo mag usap. Pagkatapos ninyong kumain, saka kayo mag usap na dalawa ha!" Sabi ni Rosa at sumubo na ng kanyang pagkain.

Payak lamang ang pamumuhay sa lugar na ito. Walang masyadong ingay at mapayapa. Halos magkakakilala rin ang mga tao rito gawa na ng maliit lamang ang Baryo na ito.

Nang matapos kumain ang lahat ay nag ayos na ng hapag sila Rosa para malinis na ang mesa. Nagsimula naman nang mag usap sila Kid tungkol sa mga bagay bagay. Naikwento na ni Kid ang tungkol sa kung saan siya nanggaling at tungkol sa pagkakahiwa hiwalay nila ng kanyang mga kaibigan.

"Umabot nga ang balitang iyan sa Central City. May mga taong hindi pamilyar sa Central na nagtatanong rin tungkol sa bayang ito." Sabi ni Ana kay kid.

Kaunting nabuhayan ng loob si Kid sa narinig niya. Nagkaroon siya ng pag asa na baka makakita siya ng kakilala doon.

"Pero karamihan sa mga kasamahan mo ay nakakulong dahil gumawa sila ng mga kasalanan na labag sa batas ng Central. Maswerte ka dahil hindi ka kaagad dumiretso sa Central dahil kung magkataon ay magaya ka sa kanila." Sabi ni Ana.

Nagulat si Kid sa sinabi ni Ana. "A-ano bang nagawa nila?" Stanong niya.

"Karamihan kasi ng mga nagpunta sa Central City ay galing sa labas. Mayroong batas sa Central City na kailangang magbayad muna ng pera ang mga manlalakbay galing ibang bayan o di kaya'y mga bisita na gustong pumasok ng Capital. Kailangan nilang magbayad ng 100 silver para makapasok. Karamihan sa kanila ay nagpumilit pumasok kung kaya't walang nagawa ang mga gwardya kundi ikulong sila. Kapag nakulong sila, kailangan namannaming magsagawa ng Background Check sa kanila para malaman namin ang tungkol sa mga taong iyon pero dahil nga sabi mo ay galing kayo sa ibang mundo, wala kaming makuhang kahit anong impormasyon sa inyo." Aniya.

SpiritsWhere stories live. Discover now