32

4.3K 292 60
                                    

Hinawakan ni Robert ang kamay ng Prinsesa. Nakaramdam agad siya ng init na nanggagaling sa katawan nito.

"Bukod pa sa mapulang katawan ng prinsesa, mainit rin ang kanyang katawan. Sa estima ko ay malala na ang init ng katawan niya." Aniya.

Kahit bata pa itong si Robert, madami na siyang nakuhang parangal sa larangan ng paggagamot. Dahil dito at medyo mayabang ang kanyang pananalita.

"Hindi ito madaling gamutin at kakaunti lang ang mga librong nagsasabi tungkol sa sakit  na ito. Pero makakaasa kayo na mapapagaling ko siya." Kampante nitong sabi.

Sa totoo lang, ngayon lang siya nakahawak ng ganitong sakit. Nakakabasa na siya ng mga gamot para dito ngunit sa aktwal na paggagamot na, maraming kailangang ikonsidera at isipin bago kumilos.

Naglabas siya ng isang maliit na karayom at aakmang tuturukan ang prinsesa nang makita ito ni Shin Feng.

"Anong gagawin mo!" Taranta nitong sabi.

"Kukuhaan ko siya ng dugo. Susubukan kong i-eksamina sa aking laboratoryo ang dugo ang anak mo." Mayabang niyang sabi.

Nagtaka naman ang mga nakapaligid sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Hindi naman ito literal na sinabi sa libro ngunit susubukan niya ito dahil maaaring ang dugo ng dalaga ang magsasabi kung ano ang maaaring igamot dito.

Ngunit ang hindi niya alam ay malaki itong pagkakamali kung ipagpapatuloy niya.

"Huwag mong itutuloy iyan!" Sabi ng lalaking nakaputing damit. Ito ang kasama nijyang pumasok sa loob ng kwarto ng prinsesa. "Hindi ka ba nag iisip?" Seryosong sabi nito.

Nagpintig naman ang kanyang tainga sa narinig. "A-anong sabi mo?!" Galit nitong sabi na ikinatayo niya.

Nakatayo at blangko lang ang mukha ng lalaki at inulit ang kanyang sinabi. "Ang sabi ko, hindi ka ba nag iisip?" Aniya.

"Aba! Inulit mo pa! Bakit, mali ba ang gagawin ko?!" Aniya.

"Oo." Lalung nag init ang kanyang ulo na parang sasabog na mamaya maya.

"Hindi mo ba alam ang mga epekto ng Red Fox Disease sa katawan ng tinamaan nito?" Simpleng sabi ng lalaki.

Kadalasan kasing nakasulat sa mga libro sa panggagamot ang mga sintomas at maaaring igamot sa mga sakit. Kakaunti lamang ang mga librong nagsasabi ng mga epekto ng mga sakit na ito sa mismong katawan ng pasyente.

Isa na rito ang Red Fox Disease. Isa sa mga dahilan nito ay napakabihira ang matamaan ng ganitong sakit. Hindi lang ito malubhang sakit, madami pang kailangangang isaalang alang sa paggagamot nito.

"Hindi maaaring makatamo ng kahit anong sugat ang pasyente." Simpleng sagot ni Lin Dong na ikinatingin nilang lahat. Napalingon din si Robert sa pwesto ni lin Dong.

"Isa sa mga epekto ng sakit na ito ang hindi paggaling mg kahit anong sugat sa katawan." Aniya.

"Kung gagamit ka ng karayom at ituturok sa isang ugat sa katawan ng prinsesa, maaaring magdulot ito ng mga impeksyon. At dahil hindi gumagaling ang kahit anong sugat sa katawan, pati ang butas sa kanyang ugat ay hindi gagaling. Unti unting lalaki ang sugat sa kanyang ugat at sa kanyang balat at Maaaring maubusan ng dugo ang prinsesa at ang maaari pang mangyari sa kanya, mapabilis ang pagkamatay niya." Sabi ni Lin Dong.

Nang marinig ito ni Robert ay nanlaki ang kanyang mga mata. Parang gusto niyang mabaon nalang sa lupa dahil sa hiya.

"A-ano!?" Nagulantang rin si Shin Feng sa narinig. Biglang nag iba ang awra sa loob ng kwartong iyon. Pabigay ng pabigat na parang may dumadagan sa katawan ni Robert.

SpiritsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα