26

4.5K 213 3
                                    

Nasa bungad na kami ng Kweba nang biglang yumanig nanaman ang lupa. Nagsisimula nanaman silang maglaban. Bigla kaming napayuko at napaupo sa lakas ng pagyanig. Lumapit ako sa isang nalaking bato para makakapit.

Ilang sandali pa ay medyo humupa na ang pagyanig.

"Ayos lang kayo?" Tanong ko sa kanila at mabuti naman at maayos ang kanilang lagay. Patuloy naming nilakad hanggang makarating kami sa dulo ng kweba kung saan nakikita namin ang pwesto ng dalawang Spirit god na naglalaban pati na rin ang pwesto ng mga Bloodfist.

"Ano na ang susunod nating gagawin?" Tanong ng aking kasama.

"Maghihintay tayo ng magandang panahon. Hindi pa tapos maglaban ang dalawang Spirit pero nakakasigurado akong nakaabang na ang mga Bloodfist para sumugod." Sabi ko.

Sinilip ko ang pwesto ng dalawamg Spirit at nandoon parin sila. Mas madami lang silang sugat ngayon kaysa kanina.

Sinugod ng Dragon ang Centaur na ikinatumba nito. Nang matumba ang Centaur ay agad naman nitong inihampas ang hawak niyang sandata sa Dragonnat unti unting tumayo.

Nang tumay siya, napatingin ako sa kanyang likod. Saka ko lang nakita ang bagay na nasa likod niya, na parang pinoprotektahan niya.

Isang Puntod.

May mga gamit ito ng isang babae. Sumbrero, isang Ribon at isang damit.  Hindi ko maisip kung bakit niya iyon pinoprotektahan.

"Tumigil ka na! Ayokong humatong sa masamang pangyayari ang hindi natin pagkakaunawaan. Tama na."

"Hindi ko kayang gawin iyon. Masyado nang madaming Spirit ang naaaktan ng mga tao. Hindi sila titigil hanggat hindi nipa nakukuha ang gusto nila. Kaya kung ititigil natin ito at mamumuhay ka lang dito sa bangin na ito nang hindi mang lang gagawa ng kahit ano ay mas mabuti pang tapusin na natin ito!"

"Alam kong nagkamali ang mga tao. Pero hiwag mong bahiran ng pagdududa ang buong lahi nila dahil hindi silang lahat ay ganon. Madaming tao ang mabubuti! At hindi hangad ang masaktan tayo."

"Hindi mo talaga alam ang sinasabi mo! Grrhh!!"

At nagsimula nanaman silang maglaban. Mula pa kanina ay alam kon mas lamang ang Centaur kaysa sa Dragon pero nananatili parin ang paninindigan ng Dragon tungkol sa mga tao kaya't patuloy parin niyang sinusubukan na paaukuin ang Centaur.

Sa tingin ko ay may malaking impak ang puntod na nasa likod ng Centaur kung bakit ganoon siya magsalita. Kung bakit ganoong siya manindigan.

Dahan dahan akong sumilip sa itaas ng bangin para tignan kung nandoon na sila Scarlet.

Nang tignan ko ay may nakita akong isang tela na nakakabit sa isang sanga ng puno. Ibinabandera ito sabay ailip ni Scarlet doon.

Ibig sabihin ay nakahanda na sila. Wala na rin sigurong kalaban sa labas ng Bangin.

SpiritsWhere stories live. Discover now